Rocco Nacino says girlfriend Lovi Poe is looking forward to his kissing scene with Heart Evangelista in Beautiful Strangers

Rocco Nacino on his kissing scene with Heart Evangelista: "Yeah, kaibigan ko si Heart. Pero at the same time, kahit papa’no, magaan din. Kasi bonus din na kaibigan ko siya, so it lessens the awkwardness. After nung scene na ‘yon, nag-uusap na kami palagi."


Nagsimula nang mag-taping si Rocco Nacino para sa upcoming primetime series ng GMA Network na Beautiful Strangers.

Kasama niya rito si Heart Evangelista at ang girlfriend niyang si Lovi Poe.

Ayon kay Rocco, “Target airing nito is July 27.

“So, nakailang taping days na kami at marami nang magagandang eksenang nakunan.

“Maraming mabibigat at maraming kilig na mga eksena, both with Heart and Lovi, so something to look forward talaga.

“Kilig yung mga scenes kasi ibang klaseng romance ang makikita. We made sure!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo, July 5.


TORN BETWEEN TWO WOMEN. Sa istorya ng Beautiful Strangers, mai-in love ang karakter ni Rocco pareho kina Lovi at Heart.

“Parang it’s a chapter na… kung bakit makikilala ko si Heart.

“So, another chapter, kumbaga, another point in life yung ano… which is hindi ko puwedeng sabihin kung anong mangyayari kay Lovi kaya kami hindi magkakatuluyan at kaya si Heart ang magiging ano…

“And ang daming transitions sa buhay ng character ni Lovi.

“At dahil sa mga transitions na ‘yon, ang dami ring transitions sa emotions ko towards her and o towards Heart.

“So, ‘yon, magkakaroon ng mga conflicts.”

KISSING SCENE WITH HEART. Mahirap ba para sa kanya na i-establish ang kilig moments nila ni Heart sa teleserye, dahil in real life ay malapit na kaibigan nila ni Lovi ang aktres?

Tugon ni Rocco, “Of course, mahirap kahit kanino.

“Kailangan, yung una, establish rapport, yung pagiging friends ninyo, tapos you have to talk to each other.

“Siyempre, noong una, nakakailang.

“Lalo na nagtatawanan kami ni Heart na sabi niya, first kissing scene niya after her marriage [kay Senator Chiz Escudero].

“Sabi ko, ‘At least hindi mo ako makakalimutan. Na ako yung first kiss mo after mong ikasal!’” biro pa raw niya kay Heart,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba mahirap na ka-kissing scene ang isang close friend in real life?

“Yeah, kaibigan ko si Heart. Pero at the same time, kahit papa’no, magaan din.

“Kasi bonus din na kaibigan ko siya, so it lessens the awkwardness.

“After nung scene na ‘yon, nag-uusap na kami palagi.

“Magkakasama kami sa standby area kaya mas nagiging close din lahat.”

Nang kunan ba ang kissing scene nila ni Heart ay nasa set si Lovi?

Sabi ni Rocco, “Wala, pero nag-aabang siya ng balita kung kumusta.

“She was looking forward to it nga kung anong magiging reactions namin, and it turned out well.”

Sakaling nandoon si Lovi nang kunan ang kissing scene nila ni Heart, mailang kaya siya?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi, kasi alam naming trabaho iyon, e.

“At saka kami ni Heart, inaalagaan naman namin ang isa’t isa, so walang problema dun.

“Lagi nga akong tinutukso ni Lovi tungkol sa amin ni Heart, e.

“Parang she’s really, really confident na magwu-work yung chemistry namin ni Heart.

“And, ako, exited ako. Natsa-challenge ako.

“At nakakatuwa si Heart, sobrang nakakatuwa siya.”

CHALLENGING ROLE. Alin sa mga nakunan na nilang eksena ang pinakamatindi?

Saad ni Rocco, “Yung isang specific na eksena na magkakaroon ng sunud-sunod na revelations.

“Mabigat talaga ‘yon na sa isang church mangyayari ‘yon lahat, e.”

So, panibagong challenging role ang ginagampanan niya sa Beautiful Strangers?

“It’s challenging for me, yes.

“Although, more challenging para kina Lovi at saka kay Heart.

“Kasi they take on their characters more of a revenge, e.

“So, yung grasp nila sa character, dapat ano… ang lalim ng hugot.”

From mabait na magiging salbahe pareho ang characters nina Lovi at Heart?

“Something like that… I cannot spill, e.

“We want to keep the audience guessing kung sino ba ang maghahanap ng revenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sila bang dalawa o isa lang sa kanila… or a different kind of revenge.

“So, ang daming posibleng mangyari. And I don’t want to spill it siyempre.

“Ayokong sirain yung surprise.

“But then, sa teaser, litung-lito ang tao kung sino ang magri-revenge sa kanila.

“So, I’m caught in the middle. Nasa gitna ako not knowing kung anong gagawin ko, kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa.”

Sa tingin niya, what makes it perfect na silang tatlo nina Heart at Lovi ang magkakasama sa Beautiful Strangers?

Sabi ni Rocco, “Una, the chemistry of Lovi and Heart. How natural it would be for them to play their characters.

“At makikita ng audience natin yung… a different kind of hugot sa mga characters.

“Na gaya ng ng nasabi ko, a different kind of revenge.”

Kasama rin sa cast ng Beautiful Strangers ang Drama King na si Christopher de Leon.

First time daw ni Rocco na makatrabaho ang isa sa pinakamahusay na aktor ng bansa.

“Wala pa kaming nakukunang scenes together, pero excited ako. At alam kong kakabahan ako.

“Pero being an actor that I am, dapat isantabi ko ‘yon pagdating sa mga scenes with veteran actors,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN