Ryan Cayabyab encourages aspiring singers to transcend "copycat mentality": “You cannot be superior to the original.”

Ryan Cayabyab wants budding performers to nurture their originality: “This is why they should be developing their own sound, their own music. Kasi dun din naman pupunta yun, e. Kasi bakit ka magiging clone lang, ‘di ba? Parang ang hirap naman no’n. Yung gumawa ka, ang mahal-mahal ng ginastos mo 'tapos you’re an inferior clone.”



Malapit talaga sa puso ng multi-awarded musician na si Maestro Ryan “Mr. C” Cayabyab ang mga singing groups, kaya naman excited siyang maging parte ng reality/talent search na To The Top ng GMA-7 dahil na rin sa kakaibang konsepto nito.

“Ang dami-daming reality search at talent search, lahat usually solo singers ang hanap.

“Pero ito maganda, kasi isang grupo ang magwawagi and I support this type of endeavor because alam n’yo naman yung background ko, yung aking life career ay nakakabit sa The Company, Smokey Mountain, 'tapos yung grupo ko nga na RCS [Ryan Cayabyab Singers], so ang ibig sabihin nito I’m all for this because this is what I like also.

“You’ve never seen me na ganito ka-excited kasi iba, e.

“Iba yung excitement ng ganitong competition na singing, dancing, 'tapos mga bata,” pahayag pa ni Mr. C sa press launch ng To The Top last July 1 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

GROUP EFFORT. Patuloy ang pagtutok ni Mr. C sa mga contestants para mas mahasa pa ng mga ito ang kanilang talent. Ngayon pa nga lang daw, nakikita na niya ang strengths and weaknesses ng bawat isang contestant.

“I’m very happy that this is happening now because it’s time to discover a different type of entertainment.

“I mean it’s not very different because it’s a boy band, but kailangan makita na may bago ka namang grupo na ipapakita, or a different set of not entertainers only, but performers.

“Mas madali mo silang pagalawin as a group. Not just dance, but pagalawin as a team.

“Kasi ‘pag nag-bond na sila, hindi na sila magkakahiyaan. ‘Pag may babae, talagang it will limit them.

“But this time, dahil lahat sila lalake, talagang barkada ang dating, they will have to learn to live together, complement each other’s strengths and weaknesses,” dagdag pa ng Maestro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMUNICATING WITH COACHES.Umaasa si Mr. C na makapag-arrange ng performance ng mga To The Top contestants kahit sa bandang dulo na ng competition, dahil sa ngayon daw, gusto niyang mag-focus sa pakikipag-communicate sa mga coaches nila.

Kung paano sila mas mag-i-improve at para mas maintindihan nila kung ano ang mas magwu-work sa kanila as performers.

“I hope, maybe sa bandang dulo ako ang mag-arrange.

“Kasi right now ang work ko is to communicate with the coaches and also to help them choose kung papaano sila maihahanda.

“Siguro manggugulo lang ako once in a while, later on ‘pag wala na sila then I will tell them kung ano ang weaknesses at strengths nila as a group,” kuwento pa niya.

Ang mga kinuhang vocal coaches nga ay sina Moy Ortiz, OJ Mariano at Sweet Plantado ng The Company; choreographers naman ang Philippine All Stars (D’ Crew) na sina Prince Paltu-Ob, Madelle Enriquez-Paltu-Ob at Jesse “Reflex” Gotangco.

Nais din ni Mr. C na mailabas ng bawat grupo ang kanilang originality.

NURTURING ARTISTIC ORIGINALITY. Bagamat ang mga kakantahin nila ay alam na ng marami, kailangang mabigyan nila ito ng ibang klaseng flavor at twist upang maipakita nila ang kanilang husay sa musika.

“Kailangan sila yung mamimili ng kanta. Sa competition, kung mali ang choice of song, talo agad, e.

“This is why they should be developing their own sound, their own music.

“Kasi dun din naman pupunta yun, e. Kasi bakit ka magiging clone lang, ‘di ba? Parang ang hirap naman no’n.

“Yung gumawa ka, ang mahal-mahal ng ginastos mo 'tapos you’re an inferior clone. You cannot be superior to the original,” diin ni Mr. C.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN