Gabby Concepcion to be paired with Claudine Barretto in "Iisa Pa Lamang"


Comebacking actor Gabby Concepcion will have Claudine Barretto as leading lady in his first soap after returning to the Philippines and to showbiz.



Kasabayan ng last presscon ng When Love Begins sa main dining hall ng 9501 restaurant ng ABS-CBN kaninang tanghali, April 22, dumating si Ms. Susan Roces kasama ang tumatayo niyang manager na si Dolor Guevara. A little while later, lumapit naman sa amin si director Ruel Bayani. Nandoon siya para naman sa story conference ng pinakabagong primetime soap ng ABS-CBN, ang pagbabalik-trabaho ni Gabby Concepcion na may titulong Iisa Pa Lamang.

Sa Bohol Hall ginawa ang story conference ng Iisa Pa Lamang and, according to Direk Ruel, bukod kina Gabby at Ms. Roces, kasama rin sa cast sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Matt Evans, Melissa Ricks, and Ms. Laurice Guillen.

Ang Iisa Pa Lamang ay hindi raw remake ng 1992 Regal movie starring Richard Gomez and Dawn Zulueta, although gagamitin ng soap ang theme song of the said movie na originally performed by Joey Albert. All the way from the States, pinakanta kay Lani Misalucha ang theme song.

Sa probinsiya at sa Manila daw kukunan ang unang soap ni Gabby sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN