Jodi Sta. Maria thanks original Amor Powers, Eula Valdes

Jodi Sta. Maria says about her new look in Pangako Sa 'Yo: "Kailangang maiba siya dun sa original na Amor Powers without losing her essence."



Masaya si Jodi Sta. Maria sa magagandang feedback na natatanggap niya bilang si Amor Powers sa primetime series na Pangako Sa ‘Yo.

Marami rin ang nag-abang sa muli niyang paglabas sa remake na ito ng ABS-CBN. Sa katunayan ang pagbabalik niya bilang Amor ang highest TV rating so far ng Pangako Sa ‘Yo ayon sa AGB Nielsen.

(Read: AGB Nielsen Mega Manila Ratings (July 6-9, 2015): Pangako Sa ‘Yo scores highest rating so far with Jodi Sta. Maria’s comeback)

Noong Biyernes unang nasilayan ng mga manonood ang pagbabalik niya bilang si Amor Powers.

Kahit ang boyfriend niya na si Jolo Revilla ay nag-komento na nagandahan siya sa new look ng kanyang karakter.

(Read: Jolo Revilla praises Jodi Sta. Maria: "Ang ganda ng new look ni Amor Powers!")

Ayon kay Jodi, “Thank you, nagpapasalamat ako na marami ang nag-abang.”

Marami raw dapat abangan sa muli niyang paglabas.

“Exciting na istorya, yun ang aabangan niyo sa pagbalik ni Amor at tingnan natin kung paano siya maghihiganti sa mga Buenavista.”

Kinakaya ba niya ang mga gagawing paghihiganti ng karakter niya ngayon bilang galing siya sa mga wholesome na karakter?

“Well, before naman nating tanggapin ang role, pinaghandaan naman natin ‘to sa tulong ng ating mga director.”

Masaya rin daw siya na nagugustuhan naman ng mga tao ang bago niyang look kunsaan, talagang nagpagupit siya ng buhok para sa pagbabalik niya sa serye.

Sabi ni Jodi, “I’m very happy naman sa creation ni Alex Carbonell, yung color, yung style, yun. Kailangang maiba siya dun sa original na Amor Powers without losing her essence naman, ‘di ba?”

Nagpasalamat din si Jodi sa orihinal na aktres na gumanap na Amor Powers na si Eula Valdes at sa magandang mensahe raw nito sa kanya.

“Napanood ko nga yung kanyang komento na gawin ko lang kung ano ang tama. Miss Eula Valdes, maraming-maraming salamat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN