Julia Montes nervous about not being paired with Coco Martin in Doble Kara: "Iba talaga kasi si Coco ‘pag kasama."

Julia Montes on not being paired with Coco Martin: "Kapag kinakabahan ako, kapag siya yung kasama ko, parang ‘Ay, hindi kaya 'yan’ kasi siya yung kaeksena ko, kaya 'yan."


Naninibago at kabado raw si Julia Montes sa kanyang bagong teleserye dahil hindi na niya makakasama rito si Coco Martin.

Tampok si Julia sa upcoming ABS-CBN drama series na Doble Kara.

Ilang beses nang nagkapareha sina Julia at Coco: sa TV dramas na Walang Hanggan, Ikaw Lamang, at Wansapanatym Presents Yamishita's Treasure, at sa pelikulang A Moment in Time.

Nawawala raw kasi ang kaba ng 20-year-old Kapamilya actress kapag si Coco ang kanyang kaeksena.

Pahayag ni Julia, "Siguro kay Coco, talagang super-kampante ako and super-kumportable.

"Well, kasi siguro hindi ko maano na... iba talaga kasi si Coco ‘pag kasama.

“At the same time, kapag kinakabahan ako, kapag siya yung kasama ko, parang ‘Ay, hindi kaya 'yan...’ Kasi siya yung kaeksena ko, kaya 'yan."

Tungkol naman sa bago niyang teleserye na hindi si Coco ang leading man niya, “Ayun, medyo talagang kinakabahan. Hindi mawala yung kaba.

“This time naman, halu-halo yung kinakabahan.

“Kasi siyempre, hindi na siya yung makakasama ko.

"At sa lahat ng trabaho ko sa ABS, nung nabigyan ako ng break, more or less, talagang siya lagi yung kasama."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa media announcement ng Doble Kara, na ginanap sa Clean Plate restaurant, sa Trinoma, Quezon City, kahapon, July 15.


NEW LEADING MEN. Hindi lang isa kundi dalawa ang kapareha ni Julia sa Doble Kara—ang Your Face Sounds Familiar 4th grand winner na si Edgar Allan de Guzman at ang bagong Kapamilya actor na si Anjo Damiles.

Ano ang nararamdaman ni Julia na bago na ang kanyang leading men?

Tugon ng aktres, “Nakaka-excite din na parang kinakabahan na medyo nahihiya din.

“Hindi pa kasi kami masyadong kumportable sa isa’t isa po.

"Pero excited kasi, yun nga po, gaya ng sinasabi ko, lahat ng nakasama ko at nakatrabaho ko, e, natutuwa po ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This time, nae-excite ako kung ano yung matututunan ko."

Kasama rin nila sa cast sina Ariel Rivera, Mylene Dizon, Allen Dizon, John Lapus, Bing Loyzaga, Patricia Javier, Gloria Sevilla, at Alora Sasam.


CHALLENGING ROLE. Sa ngayon, wala pang opisyal na anunsiyo kung bakit Doble Kara ang pamagat ng teleserye at kung anong gagampanang papel ni Julia.

Pero pinaghahandaan na raw mabuti ni Julia ang kanyang gagampanang papel dahil challenging daw ito.

“This time, kasi hindi siya... hindi lang puso’t isip yung kailangan i-dedicate rito kundi talagang yung buong ako.

"So, talagang ganun siya kahirap.

“Siyempre nakaka-pressure at the same time, kasi normally nga po nabibigyan ako ng challenging role, matured or talagang hindi ibinibigay normally sa mga age bracket po namin.

“Pero this time, I can say, ito yata yung super, pinaka, as of now, challenging na gagawin ko.

"Kasi talagang siguro malalaman niyo rin kung bakit, kasi talagang mahirap siya gawin at the same time."


THANKFUL FOR NEW BLESSING. Samantala, noong 2014 pa ang huling teleserye ni Julia, ang Ikaw Lamang.

Nang matapos iyon ay hindi siya agad nabigyan ng panibagong proyekto.

Ngunit naniniwala si Julia na may tamang oras para sa lahat at hindi dapat minamadali.

Sa ngayon, thankful pa rin siya dahil kahit medyo natagalan, patuloy pa rin siyang nabibigyan ng proyekto.

Pahayag ni Julia, "Super happy lang po talaga and, sabi ko nga, meron talagang plan si God.

"Kasi, normally, like sinasabi ng iba, 'Bakit ganito pinagagawa? Bakit ang tagal?'

"Ako talaga, alam ko na merong perfect time na ibibigay si Lord then, I think, 'eto na nga yun.

“Sakto lahat, e, hindi minadali.

"Matagal na rin dapat pero ang dami rin nangyari, talagang totally mabilis.

"Ang saya lang sa pakiramdam na finally, ito na, na-announce na po namin, matutuloy na ito [Doble Kara]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN