Lovi Poe challenged by her role in Beautiful Strangers; will work with Rocco Nacino and Paulo Avelino in Lakambini

Lovi Poe has chosen acting over her original aspiration to become a singer when she realized it's good for her soul. She says, “Release siya ng mga bagay na hindi ko nairi-release in real life. Outlet ko siya, hindi ako palaiyak, so nailalabas ko siya sa mga acting projects ko.”



Kakaibang challenge daw ang ibinibigay kay Lovi Poe ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Beautiful Strangers, kung saan kasama niyang ang kaibigang si Heart Evangelista at boyfriend na si Rocco Nacino.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi nong Huwebes, July 9, ibinahagi nito ang kanyang role na gagampanan sa nasabing serye

Madalas din siyang mag-post sa Instagram ng mga eksena niya sa serye, kung saan para siyang isang taong grasa.

Paliwanag niya sa nasabing scene, “Malaking parte yun ng istorya kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa kanya.

“And there are times na pinahihiga ako sa kalye na alam mo yung… pinagdumihan ng aso, ng tao, kung anu-ano.

“Hindi nila nililinis bago nila ako pahigain,” sabay ngiti niya sa naalalang karanasan.

“Okay lang yun parte yun ng trabaho, ‘tapos, may daga pa, pinagagapang ako sa kalsada, sa grasa ng kalye.

“Lahat talaga nang hirap ginawa ko dito at hindi yun daya. Ako mismo.”

First time daw niyang ginawa ang ganito sa buong acting career niya, “First time kong nahirapan nang ganito.”

Mas mahirap pa kaysa yung sampal sa kanya ni Maricel Soriano sa Ang Dalawang Mrs Real.

“Si Ms. Maricel kasi, inalalayan niya yung sampal niya.

“Hindi niya nilakasan yung sampal niya sa akin…mabait siya sa akin, prinu-protektahan niya ako.

“Sabi niya talaga, ayoko na siyang sampalin, umiiwas siyang sampalin niya ako.

“Yung hirap ko sa Mrs. Real, iba dito [Beautiful Strangers]…

"Unang-una, hindi pa naman ako ikinakasal, so hindi ko alam yung ganong klaseng emotion.

“Mahirap dahil nakaka-pressure, kasi nga si Ms Maricel Soriano ang ka-eksena mo.

“Pero this time sobrang hirap niya kasi sickly, mentally, emotionally, nagbabago yung character ko.

“Parang nagkaroon ng problema sa utak yung character ko, so mahirap siya kasi iba yung kilos mo.”


TOUGH ROLE. Nakunan na raw ang kissing scene nina Heart at ni Rocco nang mag-taping sila. Pero hindi pa raw ito nakikita nang buo ni Lovi.

Sambit niya, “I’m excited to see nga e,” sabay ngiti niya.

Hindi ba niya tinutukso sina Rocco at Heart dahil dito?

“Ah, hindi naman, baka mas lalo silang ma-awkward…pero maganda yung script.”

Sinabi na ni Lovi sa unang interview nang PEP sa kanya na excited siya para sa kissing scene nang dalawa.

Ipinaliwanag niya ang kanyang rason, “Kasi ang ganda ng script, e, it adds flavor sa story.

“Parang ang dami-daming pasikut-sikot ng character ko at saka ni Heart, so it’s something that I look forward to.”

Nagbigay rin ng ilang detalye ang aktres tungkol sa role siya sa Beautiful Strangers.

“Sobrang bait niya, it’s just that may hangganan ang pagiging mabait niya.

“Ang dami niyang pinagdaanan, gusto niyang makabawi sa mga taong nanakit sa kanya pero nangingibabaw pa rin yung love.

“Yun ang aabangan nang mga manonood, lahat binabangga niya … sinusubukan niyang huwag banggain pero hindi maiiwasan.”

Bida-kontrabida raw ang magiging takbo ng character nila ni Heart, ayon kay Lovi.

Parehas raw silang magkakaroon ng conflict sa isa’t-isa na hahantong sa paglalaban nila.

Sa pagkaka-alam ni Lovi kung hindi sa huling linggo nang buwang ito ipalalabas ang serye niya, posibleng sa mga unang linggo nang August ito isasa-ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FAVORITE MEN. Pagdating naman sa isa pa niyang project, ang historical indie film na Lakambini na magtatampok rin kina Paulo Avelino at Rocco Nacino.

Si Rocco ang gaganap bilang Andres Bonifacio samantalang si Paulo ang magbibigay buhay kay Julio Nakpil.

Ayon kay Lovi, hindi raw madali ang role na gagampanan niya sa movie.

Kuwento niya, “Kasi hindi siya normal Filipina lang, e, you have to give justice to the character.

“Malalim pa yung Tagalog, pero ang maganda rito they want it to make it natural as possible.

“It’s more of the love story of Gregoria De Jesus aside from her being a hero.

"Yung love story niya kay Andres Bonifacio at Julio Nakpil ang mapapanood nila rito.”

Tatlong acting project na ang pinagsamahan nina Lovi at Paulo. Ang mga ito ay sa Bride and the Lover, Aswang, at Sana Dati.

Pahayag niya, “Happy ako na silang dalawa ni Rocco ang makakasama ko kasi kasundo ko silang dalawa.

"Sila ang mga favorite kong lalake sa industriya.”

Samantala, hindi makapag-comment si Lovi sa napapabalitang pagwawakas na sa ere ng Sunday All Stars, ang Sunday variety show ng Kapuso network.

Wala rin raw alam ang aktres sa kabuntot na balita na isa siya sa ia-absorb sa bagong show na ipapalit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN