Meet aspiring boy band members of To The Top (Team B)

To the Top’s Team B is made up of six young men with the drive to succeed.




Ang Team B ng To the Top, ang pinakaunang boy band search sa telebisyon na mapapanood sa GMA, ay may anim na myembro -- MJ Magno, Martin de Vera, Joshua Jacobe, JP Palanca, Seph Manlapaz at Ken Carpena.

Kilalanin natin sila ng isa’t isa.


WORTH IT. “I joined To The Top kasi ito po talaga yung gusto ko. Gusto ko talagang kumanta,” sabi ni MJ Magno.

“Actually nag-stop ako [ng pag-aaral] for this show po.

Second year irregular student ng kursong Physical Therapy sa De La Salle HSI (Health Science Institute) sa Dasmarinas Cavite si MJ.

Worth it ba ang pansamantalang paghinto niya sa pag-aaral para sa show?

“Sobrang worth it kasi binigyan nila kami ng training for free, singing and dancing, for two weeks yun. Dati talaga hindi ako nagsasayaw, e, but now, di ba, confident na ako na nakakapagsayaw ako?

“Tapos sa singing okay din ako tapos sobrang inaalagaan nila kami.”

May mga medalya na si MJ sa sinalihan niya noong 2014, ang World Championship Of Performing Arts kahit hindi siya ang naging grand champion.

“Meron akong mga medals. Actually, I got one gold, two silvers and two bronzes. And then meron akong isang plaque.”

Crush ni MJ si Andrea Torres.

“Kasi sobrang simple ng mukha niya tapos ang hot niya!"


CONTEST NEWBIE. Pinakaunang contest na sinalihan ni Martin de Vera ang To The Top.

Pinsang buo ni Martin ang young actor na si Edgar Allan (EA) Guzman.

“Magkapatid po yung mom namin. Super-close po namin ni Kuya Allan.”

May tip o advice bang ibinigay sa kanya si EA sa pagpasok ni Martin sa showbiz?

“Kasi hindi naman kami nakakapag-usap sa ganyan pero siya lang po yung nagpu-push sa akin na, ‘Sige ituloy mo yan kung gusto mo yan. Talagang maabot mo naman, ako nga naabot ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon, siya po yung nagmo-motivate din sa akin minsan na i-push ko yung pagiging as part ng showbiz."

Gusto ba niyang matulad kay EA o mas gusto niya na singer siya?

“Siyempre po gusto ko munang maging singer kasi passion ko po talaga ito and ito po yung minahal ko na craft.”


JULIE ANNE’S FRONT ACT. “This is actually my first po, as in first contest,” bungad ni Joshua Jacobe.

Pero may showbiz exposure na siya bilang front act sa mall tours ni Julie Anne San Jose.

Walang boyfriend si Julie Anne. Liligawan ba niya ito?

“Grabe! Tingnan po natin,” at tumawa si Joshua.

Graduate ng Mass Communcation si Joshua sa Adamson University.

Bakit siya sumali sa To The Top?

“Well first po kasi this is my passion po talaga. Gusto ko po talagang ine-express yung sarili ko through music.

“And siyempre po sobrang sarap po sa feeling na gusto mo po yung ginagawa mo. Yung career mo tapos gusto mo siya, sobrang fulfilling po talaga.”


RHIAN RAMOS FAN.
Si JP Palanca ay hindi baguhan sa showbiz.

“Before po sa AHA (an info-magazine program on GMA), isang part lang po ng parang reeneactment nila,” kinuwento ni JP ang showbiz exposure niya.

“Tapos, back nung Kundirana (La Salle Greenhills’ singing group) pa ako kumanta po kami sa SOP.”


Si Gary Valenciano, na dati ring Kundirana member, ang idolo ni JP. Na-meet na raw ni JP ng personal si Gary.


“Ina-idolize ko po siya, kung paano siya mag-perform.”

Crush ni JP si Rhian Ramos.

“Maganda po yung smile niya tsaka mabait po siya. Alam ko po parang ganun siya off-cam, kung paano siya on-cam.”


Hindi napapanood ni JP ang The Rich Man’s Daughter ni Rhian.

“Kasi po wala po kaming TV sa (To The Top) camp,” sabay tawa ni JP.


HE LIKES KYLIE PADILLA. “Siyempre po gusto ko pong i-test po yung skills ko, yung talent ko po, gusto ko pa po siyang i-enhance, i-improve.”

Yan ang rason ni Seph Manlapaz sa pagsali sa To The Top.

“Siyempre po as a musician gusto po naming gumaling pa lalo and to share our music with a lot of people po.

“And I think To The Top is a way for me to share my music to many people po,” dagdag niya.

Sina Bamboo at Bruno Mars ang mga paboritong singer ni Seph, at crush naman niya ang Buena Familia star na si Kylie Padilla.

“Meron po siya nung Padilla look na makinis, maputi and medyo chinita po.”


STEPPING STONE. Ang taga-Laguna na si Ken Carpena ay sumali sa To The Top “para po matupad yung stepping stone na ginagawa ko.”

“I’m from Walang Tulugan (with the Master Showman, German Moreno’s show). Pero po baguhan pa lang po ako, kaya ngayon po gusto ko pong i-enhance pa yung talent ko. So nandito po ako para po ma-develop kop o yung talent na yun na ibinigay po sa akin ni Lord.

“At gusto ko po na mai-level up pa po yung performance na kaya kong gawin.”

Willing ba siyang iwan ang Walang Tulugan kapag nanalo siya sa To The Top?

“Hindi naman po sa mang-iiwan. Puwede po naming maiwan pero po hindi po kami, puwede po kaming bumalik-balik dun anytime po.’

Crush din ni Ken si Julie Anne.

“Nakaka-in-love po kasi yung boses niya. Binibili ko po yung mga albums niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN