Arron Villaflor says Jessy Mendiola visits JM de Guzman on set of new teleserye

Arron Villaflor (in photo) advises friend JM de Guzman: "I told him this is your second chance..." They are co-stars in the upcoming ABS-CBN teleserye All Of Me.



Isa si JM de Guzman sa mga kasama ni Arron Villaflor sa bagong ABS-CBN teleserye na All of Me.

“Sobrang happy and thankful. And first time ko working with JM.

“Exciting, challenging working with him, to think na indie actor siya, e. Kaya, very deep person si JM and he’s really serious about his character. ‘Tsaka yung respect ko sa kanya, sobra.”

Sa ilang araw na taping nila, naging magkaibigan ang dalawa.

“Ako naman po kasi, very much willing ako na kausapin siya. Pangit naman nasa isang show kami tapos hindi kami mag-uusap,” ani Arron.

Ano ang mga pinag-usapan nila ni JM?

“Yung yun sa work, ganoon. Tapos, mga music. ‘Tsaka I told him this is your second chance, ah, pangatawanan mo na, alagaan mo na. Sabi niya, ‘Oo nga.’"


JM’S STORIES. Nagkwento si JM sa kanya about his past?

“Oo, ang sabi lang niya naging masama siya noon. Naging dark yung mundo niya kasi ang dami niyang iniisip.

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi mo naman kailangang ikwento lahat. Doon pa lang naintindihan na kita.’

‘And then, ngayon nabigyan ako ng chance,” sabi niya.

“Doon ko na pinasok na alagaan mo na ‘yan kasi bihira lang yung binibigyan ng second chance. Bihira, sobra.”

Masasabi ba ni Arron na nakaahon na talaga si JM sa paggamit ng drugs?

“Well, kapag magka-eksena kami, although, sometimes nasa auto siya. Hindi kami magkasama sa dressing room. Siguro nagko-concentrate talaga siya,” sagot ni Arron.

Totoo bang tahimik pa rin daw si JM?

"Opo, tahimik lang siya. Pero hindi naman tulala.”

Ano ang mga expectation niya kay JM bilang bagong katrabaho nu’ng bago sila magsimula ng serye?

“Well, at first I’m afraid kasi knowing this guy, he came from the influence of ano, drugs. Noong una parang kailangan mo’ng timplahin muna na how to talk to this guy, how to deal with him, yung mga ganoon.”

“But I guess okay lang naman, kasi ‘di ba kapag pumasok ka sa isang bahay, bago ka lang, hindi ka naman hihiga agad sa kama ‘di ba?

“You have to observe. Doon ka muna sa sala, mag-observe ka. Aalamin mo muna kung sino ‘yung mga tao sa loob ng bahay.”

Nakikita ba ni Arron na dumalaw sa set nila ang girlfriend ni JM na si Jessy Mendiola?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan,” pag-amin ni Arron. “Sinundo niya si JM. ‘Tsaka sinabi na naman ni Jessy sa GGV (Gandang Gabi Vice) na nagkabalikan sila ni JM.”


DRAMA-FANTASY. Ayon kay Arron, ang All of Me ay isang drama-fantasy.

“Sa magic na yun lalabas si JM. Basta may something na ganoon. So, magical. Hindi siya heavy drama, drama-fantasy. May konting magic kasi may mga diwatang involved, may another world.

“E, kasi gusto ni Direk Dondon [Santos], ganoon, e. May pagka-magical. Yung Pedro Penduko, siya ang direktor namin, ganoon din.

“Nag-start na kami nu’ng May. Siguro kung hindi ako nagkakamali, naka-more than 10 days na kami ng taping which is good kasi hindi kami ngarag. Wala yung hand-to mouth at saka once may mga revision, mabilis nang gawin,” ani Arron noong makausap namin siya kamakailan.

Ano ang kwento ng All Of Me?

“Ah, siguro konti lang, ‘yung idea lang. Pero kwento ng relationship, and then, merong babaeng involved sa amin.

“Actually, it’s more of a story of friendship. Si Yen [Santos], partner siya ni JM. Yun ang pinag-conflict naming dalawa, si Yen.

“Kasi dito, bale isa ring exciting dahil first time ko’ng gumanap as a doctor.

“I guess, ganon din siya. Mature [role] yung binigay sa amin compared sa mga past characters na binigay sa amin.

“So, very challenging talaga kasi kumbaga kailangan mo’ng mag-step-up from my original age. Kasi iba ang age ko doon, mas mature ang role ko doon. Mga 30 years old ako sa role ko, so mga five years sa real age ko now,” sagot ni Arron.

Ilang taon na ba siya ngayon?

“Kaka-25 ko lang noong July 5,” sabi ni Arrron.

Huling napanood si Arron sa weekly drama-fantasy series na Wansapanataym ng Kapamilya network na pinagbidahan ni Coco Martin.

Pero una niyang nakatrabaho ang dating indie actor sa primetime drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE LIFE. What about Arron’s love life? May girlfriend ba siya ngayon?

“Wala, e,” sambit niya.

“Saka hindi ko pa nararamdaman, e.

“Sakto lang naman ang edad ko kahit huwag muna ako’ng mag-girlfriend. Mararamdaman mo naman yun, e.”

Pawang non-showbiz ang mga nakarelasyon ni Arron. Next time he’ll fall in love ay taga-showbiz na?

“Pwede rin naman,” ngiti niya.

Hindi ba’t na-link siya noon kay Jasmine Curtis Smith?

“Nagkakilala kami. Okay naman kami bilang magkaibigan. Maganda po siya talaga.”

Bakit natigil ang friendship nila ni Jasmine?

“Well, na-cut na yung ano namin, e. communication. Australia days pa niya yun.”

Dahil doon, nakapanligaw at naging boyfriend ni Jasmine si Sam Concepcion, tama ba?

“Oo, ni-respect ko na lang siya nu’ng nagkaroon siya ng Sam Concepcion,” sabi ni Arron.

Sa ngayon ay hiwalay na si Sam at Jasmine Curtis.

ON ALBERT MARTINEZ. Kasama din ni Arron sa bagong serye ng Kapamilya si Albert Martinez, na una niyang nakatrabaho sa Juan dela Cruz.

“Tatay ko siya [Albert] sa’ Juan dela Cruz.’ Pero dito sa All Of Me, kami yung magkaibigan. Basta may something magical na mangyayari,” sabi ni Arron.

“Doktor siya [Albert] dito, pareho kami. Gumanun [tumaas] ako bigla. Sabi ko sa kanya [Albert], ‘Dad, magka-edad halos tayo dito, ah.’ Sabi niya, ‘Oo nga, e, pareho tayong doctor. ‘Kaya sabi ko, I guess, okay,” dagdag ni Arron.

Binibigyan ba ng payo ni Albert si Arron sa pag-arte?

“Oo, lagi. I would say he’s my mentor talaga.

“Saka pinost ko na sa Instagram ko yun, e, my mentor, Mr. Albert Martinez.

“Tapos every time na may interview ako sinasabi ko talaga.

“Para kaming brothers kapag nagkikita kami, ‘Brod, Brod,’ ang tawag niya sa akin. ‘Ako naman, dad [kay Albert]. Ang layo ‘no? Respect pa rin, hahaha!”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN