Eula Valdes to star in Ryzza Mae Dizon's teleserye The First Daughter

Eula Valdes co-stars with Miguel Tanfelix in an episode of Magpakailanman. Hernext TV series is The First Daughter with Ryzza Mae Dizon, which will air in August.



Tampok si Eula Valdes sa episode ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 18.

Ito ay pinamagatang "Ang Huling Laro ng Aking Anak", kung saan gaganap bilang anak niya si Miguel Tanfelix, na gaganap naman bilang isang teenager na nalulong sa computer games na naging sanhi ng pagkakasakit niya.

Sa tunay na buhay, nakaranas ba si Eula ng ganitong problema na computer game or social media addiction sa anak niyang si Miguel?

Tugon niya, “Regarding sa anak kong si Miguel, wala naman akong naging problema sa kanya.

“Kasi siya mismo alam niya ang limit niya sa mga games at buti na lang siya yung tipong maalaga sa katawan.

“Kaya hindi puwedeng hindi siya kakain at hindi magwo-work out.”

Gaano ka-challenging ang role niya sa Magpakailanman?

“Basta masaya ako at kasama ako sa episode na ito … directed by Rico Gutierrez na first time ko maka-work.

“At gusto ko din na hindi mahilig si Direk Rico… drama na nga ang story, nuknukan pa ng drama ang pagdi-direct.

“Hindi namin kailangang kumota [quota] ng balde-baldeng luha.

“Magagaling din mga kasama ko—si Direk Ricky Davao, Pancho Magno, Jazz Ocampo at, yes, magaling din ang isa ko pang anak na si Miguel Tanfelix.

“Hindi ako nahirapan sa kanya kasi kapangalan niya anak ko… parehong guwapo at mahilig sumayaw.

“Kaka-graduate ni Miguel ng Digital Film last week sa College of St. Benilde kaya madaling isiping anak ko si Miguel Tanfelix.”

Kasama rin sa episode na ito ng Magpakailanman sina Buboy Villar, Vincent Magbanua, at Geraldine Villamil.


THE NEXT EULA. "Walang next Eula Valdes unless may mag-artistang ganun din ang name!"

Ito naman ang sagot ng aktres nang tanungin namin kung sino sa mga kabataang artista ang nakikita niyang susunod sa kanyang yapak.

Dagdag pa niya, “Naniniwala akong mas gugustuhin ng sino mang bagong artista na makagawa ng sariling identity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung saan siya mismo ang makikilala at mag-iiwan ng marka."

Napapanood si Eula ngayon sa afternoon series ng GMA Network na The Half Sisters, ngunit nilinaw niyang wala siyang contract network.

Pagbabalita pa ng aktres, “Pero masaya naman ako at after The Half Sisters, ang susunod kong project kasama si Aling Maliit [Ryzza Mae Dizon].

"Sa The First Daughter under APT Entertainment, sa August na yata mag-start i-air."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN