Motherhood makes Jolina Magdangal a more intense actress

Jolina Magdangal advises child stars and teen stars involved in scandals to be open to others. People around them, she adds, should not suffocate these young stars.



Kung kailan naging ganap na ina na si Jolina Magdangal, masasabing kasabay rin halos nito ang pag-tackle niya sa mga karakter na mas may lalim at mas seryoso.

Para kay Jolina, ang Flordeliza ang isa sa maituturing niyang diretsong drama talaga na ginawa na niya. Dito rin siya pumayag na magkaroon ng love scene, kissing scene.

Naniniwala rin daw siya na ang pagiging ina niya ang isa sa nagbigay sa kanya ng daan na mas mas maging mature sa mga karakter niya.


PERFECT TIMING. Ayon kay Jolina, “Perfect timing din kasi, ang role ko rito, nanay. Lahat ng eksena, may kurot talaga sa akin.

“Tinuring ko talaga si Ashley [Sarmiento] at pati na rin si Rhedd [Bustamante] na anak ko. Minsan nga, kapag may eksena, natatawa ko dahil sabi ng mga staff, natatakot kami na baka ang masabi mo Pele [Jolina’s son in real life].

“Kasi, feel na feel ko ang role ko rito.”

Hindi ikinaila ni Jolina na naisip niya talaga ang dalawang bata sa Flordeliza nang halos magkakasunod na may naglabasang mga video scandals ng diumano’y child star, at isang suicidal teenager.

“Naisip ko sila at mas nauna ko silang naisip kesa sa anak ko. Kasi ang anak ko, baby pa. Sila yung malapit din."


CONCERNED FOR YOUNG CO-STARS. Bilang ina, apektado si Jolina kapag nalalaman niya ang tungkol sa mga problema na hinaharap ngayon ng kabataan.�

“At disturbing talaga para sa akin yung nakita ko, nalaman ko at napagkukuwentuhan sa paligid at kapag naririnig ko ang comment ng ibang tao na medyo harsh, nasasaktan ako para sa biktima, parang ganun. At natatakot ako para sa kanila.

“Naiisip ko agad, paano sila kausapin ng mga magulang nila?

"Na kahit siguro maganda ang pakikitungo ng mga magulang nila.”

Dahil raw sa mga kontrobersiyang lumabas, bigla raw siyang na-curious alamin kung ano na ang pinagkaka-abalahan nina Rhedd at Ashley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bigla kong inalam kung ano ang pinagkaka-bisihan nila. Hindi sa gusto ko silang pakialaman, pero gusto ko lang din malaman kung paano mag-handle kapag ganyan na ang anak ko, di ba?”

Sa isang banda, bata pa lang din naman si Jolina noon ay artista na siya. Pero lalo na noong kabataan niya, isa siya sa itinuturing na good role models ng mga kabataan.


ROLE MODEL. Paano ba niya yun napanindigan?

“Alam ninyo noong nabalitaan ko yung mga ganyan, sunod-sunod, di ba? Inisip ko kung nasaan ako noon ganyang edad ako. Ano ang pinaggagawa ko? Ah, naggagawa ako ng accessories.

"Walang gadgets dati.

“Dati, kaya iniingatan namin ang image namin, may makita lang konting ano, sira agad, hot seat agad. E, ngayon pa?

“Parang naaawa ako sa kabataan ngayon. Kung gaano ka kabilis umakyat pataas, ganun ka rin kabilis pababa dahil sobra yung gadgets, technology ngayon.

“I think, kailangan talaga ng gadgets ng everybody. Hangga’t maise-share natin ang tulong sa mga bata, gawin. Kasi, delikado talaga.”

Dugtong niya, “Pinag-usapan namin ni Mark [Escueta, her husband] 'yan. Meron kaming anak, magtu-twelve, magti-thirteen. Sabi namin, paano natin gagawin yun? Basta constant communication.

“At saka, papakiramdaman mo talaga ang anak mo. Dugo’t –laman mo ‘yan. Mararamdaman mo talaga. At tingin ko, balanse dapat. Hindi makukuha ng sobrang istrikto at hindi makukuha yung okay lang yan, close kami, hindi.”

Sa mga child stars at teen stars na dumanas ng ilang scandals, ano ang maipapayo niya sa mga ito?

“Tingin ko, dapat nilang i-open yung sarili nila na makipag-usap sa ibang tao rin. At yung mga nasa paligid nila, sana ‘wag naman yung sobrang masyado mo ng niyakap na hindi na makahinga.

“Dapat dun, ibalanse rin nila kung paano nila kakausapin.”


FAITH IN GOD. Naniniwala rin si Jolina na siguro, sa sobrang high-tech na, minsan, nakakaligtaan na rin ang faith sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero alam niyo, minsan, mag-click ka lang, nandoon na ang verse. Minsan kasi, kung paano mo gustong hawakan ang isang gadgets. At kung paano mo gagamitin yung mga apps.

“Sa tingin ko, dapat din nilang [parents] i-guide yung mga anak nila kung anong apps ang puwede. Kausapin nila, huwag takutin. Sa akin, nasa magulang din kung paano i-introduce ang mga bagay-bagay sa kanila.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN