Aicelle Santos on her 'Cherie-Gil-in-the-making' performance in Buena Familia: "Marami pa po akong kailangang matutunan."

Singer-actress Aicelle Santos is not afraid of being typecast as a villain in her roles after Buena Familia.


Excited si Aicelle Santos sa unang regular at meaty role na gagampanan niya sa bagong afternoon drama series ng GMA Network, ang Buena Familia.

Sa mga naunang appearance ni Aicelle sa mga teleserye ng Kapuso network, lagi lang siyang incidental character. Kundi kaibigan ng mga bida o ng kontrabida ay hindi nagtatagal ang kanyang role.

Sabi ni Aicelle, “Nai-excite talaga kasi ako dahil, now, I’m playing na the kontrabida, which is different sa kung ano ako talaga and the roles that I’ve done before.

“Nag-teatro na nga ako, lagi akong mabait...

"Exciting, very exciting!"

FEELING THE PRESSURE. Sa trailer ng Buena Familia, nagpa-sample na si Aicelle ng acting niya habang tinatarayan si Julie Anne sa eksena.

Papel ng isang diva ang gagampanan ni Aicelle sa serye at si Julie Anne ay magtatrabaho sa kanya.

Ipinapalagay na halaw ang eksenang ipinakita sa trailer ng Buena Familia sa eksenang tinatarayan ni Cherie Gil si Sharon Cuneta sa pelikulang Bituing Walang Ningning.

At sinabi ng entertainment press na "Cherie Gil in the making" ang kontrabida portrayal ni Aicelle sa Buena Familia.

Natuwa at natawa ang singer-performer sa narinig.

Sabi niya, “Wow, nakakakilig naman yun!

"I’ve seen Ms. Cherie Gil sa movies, sa TV.

"I’ve seen her portrayal sa Arbol De Fuego. Nakapahusay po niya.

“Malayo pa. Marami pa po akong kailangang matutunan.”

Gagayahin ba ni Aicelle ang acting at character ni Cherie sa Bituing Walang Ningning?

Tugon niya, “Hindi naman po.

"Yung sa kanya, Bituing Walang Ningning, para nga raw [ako ang] younger version.

"Nakaka-pressure po kung doon ihahalintulad, pero thank you."

Handa ba si Aicelle ma-typecast sa kontrabida roles lalo’t may potensiyal siyang maging magaling dito?

“Gusto ko uling makita [yung trailer]. Hindi ko po kasi nakita,” sagot niya.

Dagdag niya, “If it’s for a role, why not?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya maapektuhan ang image niya bilang singer na mabait sa paningin ng marami?

Ayon kay Aicelle, “Hindi naman po sa tingin ko.

"Ako, I’ll do it for the role.

"Yun po ang natutunan ko sa teatro. Walang maliit o malaking role.

"Kung bibigyan ka ng ensemble or bida or kontrabida, do your part.

“Kasi part kayo ng isang team, e, ng Buena Familia,” ani Aicelle.

READY FOR BASHERS. Dito sa Buena Familia, pahihirapan ni Aicelle si Julie Anne, at siguradong magmamarka ito sa mga fans ng huli.

Nakikita na raw ito ni Aicelle kapag lumalabas na ang mga eksena nila ni Julie Anne.

“Yun na nga ang pinag-uusapan namin noong taping day ko with her.

"Sabi ko, ‘Oy, Julie, pag nagalit sa akin ang fans mo, pakisabi na lang trabaho, ha.’

"Sabi niya, ‘Oo naman, Ate Aice.”

Ready na ba si Aicelle na ma-bash sa social media o tarayan ng fans ni Julie Anne?

“Yeah, well, medyo... kung talagang maba-bash ako, aba, effective! I will see it as a positive reaction nila.

“Positive yun for me. Ibig sabihin, effective ako.”

STEPPING STONE. Rumaratsada ang karera ni Aicelle ngayon, lalo’t nagtala ng magandang record sa teatro ang musical production na pinagbidahan niya, ang Rak of Aegis.

Magtatapos pa lang ang musical niyang ito, nasundan agad ng bagong project—ang Buena Familia.

Hindi pinalad na makuha sa Miss Saigon si Aicelle noong nagkaroon ng auditions dito sa Pilipinas, pero tila ang pumalit naman ay panibagong chance sa kanyang career bilang singer-performer at actress.

Komento niya, “Actually, ang sabi ko naman, sa lahat ng ginagawa natin, if you audition o may gusto kang goal o may gusto kang gawin sa buhay na hindi napupunta sa iyo, it doesn’t mean na it’s not for you.

“It’s not yet your time. It’s not yet time para gawin mo yung mga bagay na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko kung may magsasara, laging may magbubukas na better.

"So, I see things that way always."

Itinuturing na malaking tulay ang Rak of Aegis para mapansin ang kakayahan ni Aicelle.

Pahayag niya, “Nagpapasalamat ako sa teatro, sa Rak of Aegis, PETA [Philippine Educational Theater Association] and even my first musical Katy.

"Doon ko nadiskubreng meron pa pala akong kayang gawin bukod sa pagkanta.

“And I really learned a lot every day, every show, may bago kang learning.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN