Rhian Ramos admits they hold back on sweet moments on The Rich Man's Daughter because of self-censorship

Rhian Ramos on doing a kissing scene with Glaiza de Castro on The Rich Man's Daughter: "To me it’s not a big deal. I mean, I’ve done kissing scenes before. I feel like it would be the same thing and I feel like the story deserves it." The GMA-7 actress reveals that this lesbian-themed series will end by August 7.



Sa August 7 na nakatakdang magtapos ang controversial primetime series ng GMA-7 na The Rich Man’s Daughter.

Sa lesbian-themed teleserye na ito, bida sina Rhian Ramos (na gumaganap bilang si Jade) at si Glaiza de Castro (na gumaganap bilang si Althea, ang girlfriend ni Jade).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa launch ng kaniyang programa sa History Channel, ang Full Throttle, sa House Manila, Remington Hotel, Pasay City nitong Huwebes, July 16.

Ayon kay Rhian, nakatakda pa silang mag-taping para sa TRMD hanggang August 3.

Base sa Twitter post ng head writer ng The Rich Man's Daughter na si Suzette Doctolero, magiging “liberating” daw ang pagtatapos ng kanilang programa.

Paliwanag naman ni Rhian tungkol dito, “We’ve watched kasi Jade for the entire first half of the show really, really struggling with who she is.

"She was having a hard time accepting it because the people that she loves don’t accept it.

“So hindi niya talaga puwede sabihin na proud siya na lesbian siya.

“So she’s really been struggling with that.

“We’re gonna see her kasi become mature and really learn what it’s like to love yourself and to be really proud of who you are.

"So that’s probably why she said it’s gonna be liberating.”


KISSING SCENE. Isa sa matagal nang hinihiling ng mga fans ng show ay ang magkaroon ng kissing scene ang mga karakter nina Rhian at Glaiza.

Nang tanungin si Rhian kung payag ba siya dito, sagot niya, “I know that a kissing scene is something that the fans have been really asking for.

“And to me it’s not a big deal. I mean, I’ve done kissing scenes before.

“I feel like it would be the same thing and I feel like the story deserves it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payag man kung sakali, aminado naman si Rhian na ang censorship ang isang dahilan kung bakit nahirapan silang gawin ito at maging ang gampanan ang karakter niya.

Paliwanag pa niya, “Creatively, nahirapan ako with the censorship.

“When you’re in love with someone, there are so many things that come natural.

“But kailangan naming pigilin kasi nga hindi pwede for free TV.

“Hindi siya puwede for free TV.

"So ayun there were times talaga na like that, you know, you’re in character and you’re in love and parang nag-i-intensify yung scene tapos parang, ‘Ay wait! Bawal pala yun!’

“Yung may gusto ka sanang gawin pero bawal pala.

“Like there was this one time na nag-aasaran kami ni Glaiza and we were sitting on a mattress.

“Nag-aasaran kami and because nagtatawanan kami, sabi ko, ‘Ang kulit kulit mo!’

“And I tacked her on the bed and then they said, ‘Uh cut, hindi kasi puwede yun…’

“I was like, ‘Hindi ba puwede yun?’

“It slips my mind na there are things we can’t do.

“So ayun lang, that’s also how I feel about the kissing scene, para bang, ‘Free the kiss!’”


MOVIE VERSION? Wala namang problema kay Rhian kung sakaling gawing pelikula ang The Rich Man’s Daughter in the future.

Aniya, “If it was turned into a movie, the censorship wouldn’t be an issue.

“Except that we would probably go to a smaller audience.

“Dahil parang R-16 o R-18, parang ganun.”

Papayag naman kaya siya sa bed scene sa kapwa babae?

Sagot ng Kapuso actress, “Kung necessary talaga siya because not even with guys do I agree sometimes.

“I’ve only done twice, twice lang ako pumayag dahil nung binasa ko [yung script], ‘A, tama, tama naman!’

“Kasi dun talaga papunta yung story.

“I really, really don’t like reading things na parang alam mo yung naramdaman mo na, ‘Ay yung eksena na yun pambenta lang!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I’m really there na wherever the story takes it, dapat naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN