Julie Anne San Jose not threatened by Buena Familia co-star Aicelle Santos

Julie Anne San Jose (in photo) says her character in Buena Familia will work for Aicelle Santos since her family suddenly becomes poor.



Hahamunin muli ang kakayahan ni Julie Anne San Jose sa drama sa upcoming GMA-7 teleserye na Buena Familia.

Sa trailer pa lang ng serye na ipinalabas sa press launch ng show, ramdam na ang bigat ng drama sa ginagampanang karakter ni Julie Anne.

Kuwento ng young actress-singer tungkol sa kanyang karakter na si Darling, “Siya ang second child sa family pero first born siya ng Mommy niya. Si Kylie [Padilla] anak sa ibang girl.”

Tinanong namin siya tungkol sa iba pang anggulo na iikot sa kanyang role, gaya ng posibilidad na pagkakaroon nila ng rivalry ng karakter ni Kylie sa story.

Paninigurong sinabi ni Julie Anne, “I think meron po. Sabi po sa script parang magkakaroon kami ng conflict. Hindi ko pa po alam kung ano ang mangyayari, pero I think na magiging maganda naman yung story.”

May isang eksenang sinusumbatan ni Julie Anne na nagmo-monologue siya dahil sa sama ng loob niya sa kanyang ama (played by Bobby Andrews).

Kaya tinanong namin si Julie Anne kung may pagka-maldita siya sa kuwento ng serye.

“Hindi naman. Kasi po yung character ko dito, spoiled. So, parang hindi siya sanay sa kahirapan ng buhay. Hindi siya sanay na maghihirap sila. Tapos dumating pa sa point na declined lahat ng credit cards ko. Kasi pina-block na.

“Mapapahiya rin ako sa mga friends ko. Ayaw ko kasing napapahiya.”

Isa sa pumukaw ng atensyon ng press ay ang eksena nila ni Aicelle Santos.

Markado agad ang karakter ni Aicelle bilang diva na sinampolan agad niya ng katarayan kay Julie Anne.

First time ba naging ka-eksena ni Julie Anne si Aicelle?

“Sa acting, first time ko. Saka excited ako na makita si ate Aicelle kung paano niya ako tratuhin. Magta-trabaho ako for her kasi nga wala na kaming money,” sagot ni Julie Anne.

Hindi ba natatakot si Julie Anne dahil lutang na agad ang acting ni Aicelle sa confrontation scene?

“Siguro sa part na, siyempre, nakikita ko siya as artista na...kasi artista siya doon. So, nakikita ko siya doon siyempre parang na-starstruck ako. Parang sa kanya pala ako magta-trabaho. Tapos ang first impression [ko sa kanya] maldita pala.

“From that, nakita ko na hindi pala maganda yung ugali niya na aapihin pala niya ako.”

Sina Angelu de Leon, Tessie Tomas, Julian Trono, Jake Vargas, Mona Louise Rey at Mayton Eugenio ang ilan pang artista sa Buena Familia, na nasa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN