Dingdong Dantes says wife Marian Rivera will most likely guest on Pari 'Koy

Dingdong Dantes on why Pari 'Koy strengthened his faith: "Siyempre, you encounter scriptures and stories that are inspiring."




Sa ngayon, isang malaking tanong kung ano ang mangyayari sa karakter ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang si Father Kokoy sa Pari ‘Koy kapag nagtapos na ang kanyang GMA-7 primetime series.

Bilang pari na nalamang nagkaroon siya ng anak (ginagampanan ni David Remo), noong hindi pa siya alagad ng Diyos, dapat nga bang bumalik si Father Kokoy sa pulpito, o paninindigan na lamang niya ang pagiging ama?

Ito ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press kay Dingdong sa set visit ng Pari ‘Koy sa isang bar sa Roces Avenue, Quezon City.

Ayon sa aktor, “Hindi pa namin alam kung ano ang mangyayari sa dulo. Pero siyempre, pipiliin niya kung ano ang tama.”

Ano ang tama?

“Pag-ibig,” nakangiting sagot ni Dingdong.

“Pag-ibig sa Diyos,” lahad pa niya.

Sa ngayon daw, medyo mahirap talaga kung ano nga ba ang dapat mangyari sa sitwasyon ni Father Kokoy kung sa totoong buhay ito nangyari.


CHANGING TIMES. “Ayon pa kay Dingdong, “Mahirap, mahirap sabihin. Siyempre ano yan, e, conflict between yung bokasyon mo at yung anak mo, ‘di ba?”

May nagsabi naman kay Dingdong na dapat daw bumalik talaga ang karakter niya sa pagka-pari dahil ang title ng serye nila ay Pari ‘Koy nga.

“Well siyempre, yun ang ideal. Pero siyempre, kailangan mo rin isipin yung mga posibilidad. Especially nagbabago ang panahon ngayon.”



INSPIRING STORIES. Ano naman ang naiambag ng show sa pagkatao ni Dingdong?

“Naku, mas bumait ako,” natawang sagot niya.

Pero, halos lahat ng entertainment press na nakarinig sa sinabi ni Dingdong ay sinabihan naman siya na mabait siya.

“Hindi, hindi… yung pananampalataya. Kasi siyempre, kapag hindi ka naapektuhan o nadagdagan ang faith mo in any way, parang napakamanhid mo namang tao.

“Siyempre, you encounter scriptures and stories that are inspiring. So parang siyempre in doing characters, kailangan mo rin isabuhay yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MARIAN RIVERA AS GUEST. May nag-suggest na sana raw, sa finale episode, ang misis niya na si Marian Rivera ang maging guest.

Ayon kay Dingdong, “Pinag-usapan nga namin kahapon.”

Naisip nga ba nilang gawing guest si Marian sa Pari ‘Koy?

“Of course, it was discussed before,” pag-amin niya.

“Mas may posibilidad po ngayon kasi, yung dati, first trimester [of pregnancy], yung tatlong buwan ang unang delikado. Ngayon, okay naman.”

Napapanood naman daw ni Marian gabi-gabi ang Pari ‘Koy, lalo pa nga’t madalas na nasa bahay lang nila ito.

KIDDIE FAN. Tinanong din namin kay Dingdong yung bata na nagpapa-bless daw sa kanya dahil buong akala nito, totoong pari siya at sa kanya talaga gustong mag-bless.

Anong pakiramdam na convincing pala siyang pari?

“Hindi naman. Sincerely naman binibigyan ko naman sila ng moment na—although, wala naman siguro kong authority na irepresent. Pero sinasabi ko naman na God bless and every one naman can say that and in my own capacity.”

Extended na ang Pari ‘Koy at wala pang sinasabi kung hanggang kailan ito mapapanood sa ere.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN