Jane Oineza on "next Kathryn Bernardo" tag: “Kanya-kanya kami ng path.”

Jane Oineza: "Sana magka-movie na ako na yung matatawag ko’ng akin. Yun talaga ang super dream ko." Right now, she is working on the youth-oriented movie Bloody Crayons.



Hindi iniisip ni Jane Oineza na, ayon sa iba, siya na ang susunod na Kathryn Bernardo sa ABS-CBN.

“Ah, para sa akin, kanya-kanya naman po kami ng path. Kanya-kanya kami ng...paano ba? Kunyari ng role, ng gagawin,” sabi ng 19-year-old actress sa presscon ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.


NO COMPETITION. Pagpapatuloy ni Jane, “Wala naman po’ng competition kasi sikat, kababata ko rin siya. Magkakasama kami noon sa Goin’ Bulilit [ang kiddie gag show ng ABS-CBN]. So, yung success niya, happy din ako sa kanya.”

Agree ba si Jane that she’s a better actress than Kathryn dahil may acting award na siya?

Nakilala na rin abroad si Jane dahil sa MMK episode niya na "Manika" kunsaan gumanap siyang rape victim. Nagkaroon ito ng nomination sa 41st International Emmy Awards.

“Ah, hehe. Thank you,” sagot ni Jane.

“Ginagawa ko ang best ko para ibigay ko lahat sa eksena, kaya ganoon, napapansin. Nakakatuwa po na napapansin yung paghihirap ko. Kaya ang sarap sa pakiramdam.”

Extended ang ABS-CBN afternoon teleserye na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pinagbibidahan ni Jane.

Originally, 20 weeks lang ang unang nakalatag para sa Kapamilya Gold teleserye.

Pero dahil sa magandang reception ng programa sa mga viewers ay nasa ikatlong season na siya ngayon.

“Nakaka-overwhelm po at sobrang nakakatuwa, and sana tumagal pa po,” masayang sabi ni Jane.

“Actually, hindi ko nga po inexpect na aabot sa ganoon. Syempre kasi, unexpectedly din naman na nag-extend, na naging ganito ang show,” dagdag niya.

Nag-uumapaw din ang kasiyahan at pasasalamat ng mga kasamang bida ni Jane na sina Denise Laurel, Christian Vasquez, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Joshua Garcia at Vina Morales.


PLAYING A TEEN MOM. Sa unang pagkakataon, gumaganap si Jane ng isang teen mom na nagngangalang Corinne.

“Wala pa po ako sa ganoon na nu’ng binigay po sa akin ang project na mabubuntis. Kasi po yung script, nababasa lang namin kapag malapit na nag taping. Minsan sa cellphone na lang po nababasa namin,” lahad ni Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabigla ba siya na mabubuntis siya sa teleserye?

“Opo,” pag-amin ng 19-year-old actress.

“Siyempre, parang nag-isip ako kung kakayanin ko. Siyempre pressured po ako, kasi parang noong una baka ano ang isipin ng tao, ano ang feedback nila and all.

“Pero inisip ko na lang kasi, uh, trabaho ko siya. It’s part of my role, it’s part of my character sa show. And for me, personally, iba naman po ako. Iba naman si Corrine.

“Inisip ko na lang na hindi ako dapat ma-affect kung anuman ang sabihin. Siyempre kasi yung iba nakikita ko parang, ‘Ano ba ‘yang si Corrine, ano ba ‘yang ano?’

“Pero sa akin, ang importate natututo sila sa nangyayari. Nakikita nila kung ano ang mali sa ginagawa ni Corrine and ako, masaya ako sa ganoon na nagiging inspirasyon ka para sa mga tao, nagiging lesson ka para sa mga tao. Yun ang iniisip ko.”

Naisip ba niya na maaga pa for her to play a mother role?

“Uh, hindi naman po kasi hindi naman po talaga siya nanay. Kasi hindi naman niya inexpect na mabubuntis siya.

“Kasi teen pregnancy, e. Nasa teen pa rin siya at may aral po siya sa mga kabataan. Hindi talaga ito mother role.

“I don’t think makaka-affect po ‘to sa career ko as a teen star. It’s a role po and as an actress dapat handa ka talagang tumanggap ng kahit na ano’ng role ibigay sa ‘yo. And it’s a challenge,” diin pa ni Jane.

May iba pa ba siyang project sa ABS-CBN?

“Kakatapos ko lang po nu’ng The Love Affair.’ Anak po ako ni Ms. Dawn [Zulueta] at ni Sir Richard [Gomez], ayun.

“And uh, they’re working on a new movie po right now with Joshua [Garcia] po, Bloody Crayons sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Barkada ano po siya, e, youth-oriented po. May mga kasama pa po kaming iba ni Joshua.

“Hindi ko pa po alam kung sino ang director kasi inaayos pa po nila yung schedule. Na-extend nga po kasi itong Nasaan Ka kaya aayusin pa po nila. Pagkatapos noon, baka mag-start na po kami ng shooting.”


JANEROME. Sa NKNKK, si Jerome Ponce ang gumanap sa lalaki na nakabuntis sa karakter ni Jane. Ang kanilang tambalan ay binansagan bilang Janerome.�

Para sa movie na Bloody Crayons, si Joshua Garcia ang ka-loveteam ni Jane at hindi si Jerome.

Suportahan kaya ng fans nila ni Jerome ang movie ni Jane at Joshua?

“Oo nga po, e. Pero meron din naman po siyang sariling fans club. May movie siya na ginagawa with Janella [Salvador] naman. Pero yun po, sana yung mga nagsu-support sa team namin ni Jerome, sana hindi nila kami iwan. Sana suportahan pa rin nila kami kahit hindi kami magkasama sa isang pelikula.”

Anong feeling ni Jane na meron na silang fans club ni Jerome, ang Janerome?

“Ah, nakakatuwa po. Sa una kasi hindi namin ine-expect.

“Masaya, ang ganda nang pagtanggap ng tao sa amin. Nakaka-overwhelm, nakakatuwa,” ngiti ni Jane.

Aware ba si Jane na marami rin ang nagpa-follow sa kanya sa social media?

“Naks! Hahaha! Uhm, nakaka-ano lang, parang overwhelmed talaga.

“Pero yun, ilang beses ko po’ng sasabihin thank you sa mga sumusuporta sa akin.

“Dahil sa akin, wala ako dito kung hindi dahil sa kanila. Wala namang magpa-follow sa akin kung anong social media ‘yan dahil sila naman ang may accounts doon.

“So thank you po talaga at sa walang sawang pagmamahal,” sabi pa ni Jane.


BIRTHDAY WISH. Katatapos lang ng birthday ni Jane noong July 22.

“Birthday wish ko po ay more blessings and sana maging successful ulit ang third season namin and more work,” ani Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sana magka-movie na ako na yung matatawag ko’ng akin. Yun talaga ang super dream ko.

“Yun po ang gusto ko’ng mangyari sa career ko, kaya sana.

“Yun ang isa sa mga birthday wish ko.”

Paano niya ipinagdiwang ang kanyang birthday?

“Actually, iba-ibang ways, e. Galing po ako ng taping noon tapos inabot ng 12 am. So, yung mga supporter [ko] talaga, nagpunta doon. Naghanda sila ng mga surprises, ganyan.

“So, yun yung isa sa mga ways na nag-celebrate ako nung birthday ko.”


JANE AND JERON. Ano ang regalo sa kanya ng nababalitang boyfriend niya, ang basketball player na si Jeron Teng?

“Ay, hahaha! Siya na lang tanungin ninyo baka nahihiya [siya]. Secret na lang, hahaha.”

Sila pa rin ba hanggang ngayon?

“Ah, consistent naman. Pero yun nga, kailangan ding mag-focus kasi malapit na ang UAAP.”

Consistent si Jeron sa kanya saan?

“Ah, sa panliligaw,” sagot ni Jane

Paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Jeron ngayon?

“Uhm, we’re both supporting each other in our own careers.”

Walang label ang relasyon nila?

“Wala po. We both want po kasi the best for each other.”

Dumating ba si Jeron sa celebration ng birthday niya?

“Oo, pero wala naman siyang binigay na sariling party po para sa akin, ” ngiti ni Jane.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN