Heart Evangelista felt awkward shooting kissing scene with Rocco Nacino in front of his girlfriend Lovi Poe

Heart Evangelista (middle) on Lovi Poe (the girlfriend of Rocco Nacino): "Meron kaming eksenang ginawa na nakita niya kaming naghahalikan, nakaka-awkward."



Masaya si Heart Evangelista sa bago niyang project sa GMA Network, ang primetime series na Beautiful Strangers.

“Wala siyang masyadong challenge, to be honest, kaya happy ako.

“Of course, may challenge when I kind of step back, fight back, lalaban na ako.

"Pero yung challenge talaga sa umpisa, na kay Lovi [Poe], na ang karakter ay nagbaliw-baliwan.

“Siya [Lovi] talaga ang kawawa, hirap na hirap siya.”

Hindi raw sila magkapatid ni Lovi sa serye na akala ng iba, base sa trailer.

Ayon kay Heart, “Sobrang strangers kami, we don’t know anything about each other.

"Pero dahil sa tadhana, nagkita kami at natulungan ko siya.

“Magiging magkaibigan kami, parang magkapatid at magiging rivals kaming dalawa.

"Totally different, pero gusto namin ‘yan.

"Nabibigyan kami ng mga eksenang nagsasampalan. The more passionate, the more we want.

"Kasi, siyempre as an artist, that’s what you look forward to.”


GRAY SIDE.Sa umpisa raw, si Lovi talaga ang magmumukhang kontrabida, pero dahil sa kuwento maiintindihan naman daw.

“That will make it relatable kasi lahat naman tayo, meron tayong gray side.

"Meron tayong moment na kailangan nating lumaban.

“Siya siguro sa umpisa, then lalaban din ako eventually,” paliwanag ni Heart.

Ang mga karakter daw nila ni Lovi ay inilatag na lang sa kanilang dalawa.

Kaya tinanong namin si Heart kung may choice siya, mas pipiliin pa rin ba niya ang karakter niya ngayon sa karakter ni Lovi.

“Magkaibigan kami, e. We’re happy for each other, so ayoko ng ganun.”

KISSING LOVI’S BOYFRIEND. Ang love interest ni Heart rito ay si Rocco Nacino, ang real-life boyfriend ng best friend niyang si Lovi.

Wala bang ilangan sa mga kissing scenes nila ni Rocco?

Sabi ni Heart, “Awkward-awkward talaga. Si Lovi mas lalong nag-awkward.

"Pero sobra naman ang pinagsamahan namin ni Lovi, it doesn’t really bother us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na siya, she’s very open to these things, tumatawa lang siya.

"Meron kaming eksenang ginawa na nakita niya kaming naghahalikan, nakaka-awkward.

"Pero wala naman sa kanya yun.”

Hindi sila nagkakalokohan?

“Naglolokohan. Nahalikan na rin kita, parang ganun,” natawa niyang sabi.

Si Rocco ba, hindi naiilang?

“Parang hindi naman siya naiilang,” sagot ni Heart.

Na-enjoy ba ni Rocco ito?

“Hindi naman. Artista naman siya, e.

"Ako naman kasi, pagdating sa ganyan, hindi ko naman siya boyfriend, nahihiya ako siyempre,” sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN