Is Rocco Nacino jealous of Benjamin Alves, loveteam partner of his girlfriend Lovi Poe?

Did it feel awkward shooting intimate scenes with Beautiful Strangers leading lady Heart Evangelista? "Awkward sa simula pero we laughed about it tapos super-tawa kami. After that, na-break na yung ice and we got to deliver it na.”



May bagong primetime series si Rocco Nacino na ipapalabas sa GMA-7 simula August 10, ang Beautiful Strangers.

“Kakaiba siya ‘coz una with the cast. As expected, people are gonna say, ‘Uy katambal mo si Lovi [Poe, his real-life girlfriend],’ sabi ni Rocco.

“Pero it’s more of Heart [Evangelista] dito. So kakaiba siya with the character na dala ko.

Rocco says the challenge for him is playing Noel na ayon sa actor ay isang “very, very confused character.”

“To have that same passion and same love and intensity katulad ng kay Lovi and kay Heart so magka-clash 'yan,” kuwento pa niya.

Ano ang reaction ni Rocco na si Heart ang kapareha niya at hindi si Lovi?

“Surprised and happy! Kasi it’s part of being a versatile actor, getting to deliver good scenes with different actors.

“Happy ako dahil may bago akong partner, may bagong show para paglaruan yung character ko and how to grow as an actor.

“Kaya very, very excited ako.”

Hindi ba siya nailing sa intimate scenes nila ni Heart, na best friend ni Lovi?

“Sa simula. Awkward sa simula pero we laughed about it tapos super-tawa kami. After that, na-break na yung ice and we got to deliver it na,” sagot ni Rocco.

Dagdag niya,“So nakakatawa, parang, sabi namin, ‘Ok, friends forever na tayo.’”


NO JEALOUSY. Hindi raw aabot sa punto na pagseselosan ni Lovi si Heart sa tunay na buhay.

“I doubt, kasi galing na rin kay Lovi na, ‘Uy, parang I think you [Rocco] and Heart can work as a loveteam.’”

Dahil moreno siya at maputi si Heart, "parang maganda yung mix,” sambit ni Rocco.

Hindi naman nagseselos si Rocco kay Benjamin Alves, na loveteam ni Lovi.

“Hindi, naku trabaho namin ito, e! So dito pumapasok yung pagiging understanding naming parehas.

“So far, we’re doing a good job pagdating sa pag-iintindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN