Benjamin Alves says it's interesting to work with real-life couple Lovi Poe and Rocco Nacino

Benjamin Alves will use the lessons he learned from the workshop of Direk Laurice Guillen for the GMA-7 teleserye Beautiful Strangers.



Ikatlong pagkakataon na magkakapareha sa isang proyekto sina Benjamin Alves at Lovi Poe.

Nagkasama na sila ng dalawang beses sa pelikula, ang Sana Dati at Guni-Guni.

Pero ngayon pa lang daw ang unang pagkakataon na magsama sila at maging magkapareha sa isang teleserye.

Ito ay sa bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula ng mapanood sa August 10 ng gabi. Ang all-star cast na Beautiful Strangers ay kinabibilangan rin nina Heart Evangelista, Rocco Nacino, Christopher de Leon at Dina Bonnevie.

Pagmamalaki ni Benjamin, “Hopefully, yung audience namin sa movie will watch this kasi iba naman ang istorya.

“Ngayon pa lang, palaging nag-iiba ang script namin, talagang pinag-iisipan siya.”

Magkapatid sila ni Heart sa teleserye, pero hindi pa niya alam na kapatid niya ito. Pareho sila ng ama, si Christopher at ang ina naman niya ay ginagampanan ni Dina Bonnevie.

Kumustang katrabaho ang award-winning actor na Christopher?

“Iba siya, first time kong maka-trabaho na yung process, very unique.

“Siguro ilang years na rin siya na yung proseso niya, very unique, gamay na niya kumbaga.

“For me, I came from Direk Laurice Guillen na workshop and this is the first time that I’m going to use it for this show.

“So mas excited ako na makaka-eksena siya... Iba ang binibigay ko, iba rin ang binibigay niya all the time.”


LOVE TEAMS. “Yes and No,” ang nakangiting sagot ni Benjamin nang tanungin namin kung may pagka-kontrabida ba ang karakter niya.

“Siyempre bilang si Lovi ang love team ko, ‘tapos Daddy ko si Christopher.

"Kokontra ako sa pamilya ko, ganun ang mangyayari sa story.

“Dito kasi parang walang main kontrabida, hindi naman kontrabida si Lovi, hindi rin naman kontrabida si Tito Boyet.

“Because it’s well written, buo kahit kanino ka maki-side.

“Parang sa totoong pamilya, pareho silang may tama naman.

“Kaya ang hirap gawin ng script kasi parang ayaw na nilang gawin na may standard na kontrabida, may standard na api.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, wala pa raw silang kinukuhanang kissing scene ni Lovi, pero posible raw na meron bilang sila nga ang magkapareha.

Hindi ba siya naiilang na nasa soap din ang totoong boyfriend ni Lovi na si Rocco?

“That makes it interesting, kasi Lovi and Rocco are in and then meron din silang partner or love team.

“It’s not gonna go against me na magka-love team sila sa totoong buhay.

“I think our viewers will understand and kung yung character ni Lovi mahal niya ko, makikita yun dito.”

Paano kapag may kissing scene na sila?

“Wala pa, pero meron yun for sure... siguro nakakatulong din na lahat kami actors in this business.

“I know with Heart and Rocco, they have, so labas naman na yun, trabaho lang naman.

“But we’re friends, we actually hang out after work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN