Mikael Daez takes on the role of 'kabit' in My Faithful Husband

Mikael Daez on challenge of playing the other man: "Yung challenge, bilang isang lalaki, kahit saang lugar, may pride ‘yan, e, di ba? Ako yung magiging kabit, paano ba magre-react ang Pinoy na lalaki bilang alam niyang may asawa ka, e? Ano ba ang puwedeng maging reaksiyon ng Pinoy? Tingnan natin. Depende sa direksiyon ni Direk Joyce [Bernal], depende sa pagsusulat ni Ms. Suzette, depende sa pag-arte ko. Kaya nga maganda, maraming puwedeng tahakin dahil medyo kakaiba ang



Isang “kabit” ang karakter na ginagampanan ni Mikael Daez sa bagong primetime series ng GMA Network na My Faithful Husband.

Si Mikael ang magiging third party sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, na gaganap namang mag-asawa.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael, sa presscon ng My Faithful Husband noong July 31, kung kabit o kerida rin ba ang tawag sa mga lalaki.

Ayon kay Mikael, “Actually, hindi pa nga namin nilalagyan.

"Pero ako, kapag ikinukuwento ko sa mga kaibigan ko, sa mga kasama ko, kabit ang tawag ko.

“Kasi, wala na akong maisip, e.

"Pero si Ms. Suzette Doctolero [scriptwriter], may maiisip 'yan for sure.”

Bihira sa mga teleserye na ang babae ang nangangaliwa sa kuwento.

Kaya nang malaman ni Mikael na siya ang kabit, ano ang naging reaksiyon niya?

“Suwabe kasi si Ms. Suzette na magsulat. Maganda yung pagkagawa niya ng sitwasyon.

“Ang nangyari kasi, ako ang first love ni Jen [Jennylyn]. Umalis ako, pero nabuntis ko siya.

“Hindi ko alam na nabuntis ko siya. Umalis ako dahil estudyante pa ako nun.

“At pagbalik ko, nalaman ko na may asawa na siya.

"Wala akong ginawa, pero nagkita ulit kami and from there, yun... kamay na ni Ms. Suzette ang gagawa.”

Base sa trailer ng My Faithful Husband, mainit ang love scenes nina Mikael at Jennylyn.

Sabi ng Kapuso actor, “Well, maganda naman ang kinalabasan ng love scene.

"Pero happy ako dahil maganda yung work na nagagawa namin.

"Nararamdaman ko na gusto talagang galingan ng lahat ng tao.

“And siyempre, it’s a privilege to work with very successful artists and a director, so para sa akin, ang laking bagay nun, nakakatuwa.”


NOT WORRIED ABOUT BEING BRANDED KONTRABIDA. Hindi ba nagdalawang-isip si Mikael na tanggapin ang role niya, dahil posibleng lumabas na masama o kontrabida siya dahil sa pagiging kabit niya sa My Faithful Husband?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Possible, pero hindi ko inisip bilang kontrabida o bida. Ang inisip ko, maganda ang kuwento.

“Nag-usap kami ng manager ko, si Tita Betchay [Vidanes]. Sabi ko, 'Tita, ano ang tingin niyo rito?'

"Siyempre, kung may iniisip ako, si Tita Betchay, may say rin siya diyan.

“Ikinuwento ko lahat, kung ano ang magiging tahak ng character ko and sinabi ko, 'Alam mo, maganda ang kuwento.'

“I think it’s a good opportunity na magpakitang-gilas. It’s a good opportunity to show what I can do.

"Yun nga, nag-comedy na 'ko [sa Ismol Family], nag-drama na 'ko, nag-theater na 'ko.

“Ngayon, medyo iba naman 'to, kasi ako, nama-marginalize, ako ang nasa labas.

“Usually, kapag kami ni Andrea [Torres], ako ang nasa loob. So, this is a bit different.

“At maganda ang pagkakasulat ni Ms. Suzette, very fair.

"May reason kung bakit ako nandun at may reason din kung bakit nandun si Dennis.

“Nagkataon lang na mag-asawa na sila.”

Ano ang nakikita niyang challenge sa kanyang karakter?

“Yung challenge, bilang isang lalaki, kahit saang lugar, may pride ‘yan, e, di ba?

“Ako yung magiging kabit, paano ba magre-react ang Pinoy na lalaki bilang alam niyang may asawa ka, e?

“Ano ba ang puwedeng maging reaksiyon ng Pinoy? Tingnan natin.

"Depende sa direksiyon ni Direk Joyce [Bernal], depende sa pagsusulat ni Ms. Suzette, depende sa pag-arte ko.

“Kaya nga maganda, maraming puwedeng tahakin dahil medyo kakaiba ang sitwasyon,” dagdag pa niya.

Sa personal, ano ang take niya sa role niya?

Ani Mikael, “Wala, e. Loyal ako, faithful ako.

"Kahit dun sa first girlfriend ko na three years.

"It’s new to me but nararamdaman ko it would hurt a lot."


END OF MIKAEL-ANDREA LOVETEAM? Sinasabing tapos na ang loveteam nila Mikael at Andrea Torres dahil magkaiba na ang mga proyekto nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Mikael dito?

“Hindi naman,” mabilis niyang sagot.

“Kasi marami naman kaming ginagawa before in between.

"Lalabas pa ang Blood in Dispute [Cambodian movie] after, so walang problema.”

Dugtong pa ni Mikael, “Ako, ang iniisip ko, walang end naman ang mga ganyan.

“If may project that comes up at bagay naman kaming dalawa, e, di kaming dalawa ang ilalagay.

“Pero kung hindi naman, e, di hindi kami ang magsasama. Natural lang naman yun.

“Hindi naman kailangang you stick to one person.

"And si Andrea, marami siyang ginagawa, nagwa-Wagas siya ngayon, Pari ‘Koy, so marami siyang ginagawa.”


CAMBODIA MOVIE PREMIERE. Ngayong Huwebes, August 6, ay aalis din si Mikael kasama si Andrea dahil sa premiere night ng ginawa nilang movie/teleserye na magpi-premiere na sa Cambodia.

Ano ang inaasahan ni Mikael doon?

“This Saturday ang premiere sa Cambodia. Inaabangan ng mga Cambodian.

“May mga friends ako na pumunta ng Cambodia, nasa tuk tuk sila, nagbakasyon lang.

"Tapos sinabi, 'You’re Filipino, you know ano...? ' Kasi, ipinapakita yung mga trailer sa TV.”

Ibig sabihin, kilala na talaga sila ni Andrea sa Cambodia?

“Happy ako. Siguro maganda ang trailer, promo sa Cambodia,” sambit ni Mikael.

Biniro namin si Mikael na madalas, kapag may Pinoy na nagbabanggit, iyon ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Ngayon, si Mikael na pala ang tinatanong.

Natatawang tanggi niya. “Hindi naman, hindi naman!

"Sa Cambodia lang 'yan kasi may movie.

“Pero nakakatuwa, at least, yung hard work na ibinigay namin ni Andrea dun, napapansin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN