Dingdong Dantes to work with Nora Aunor for the first time in Pari 'Koy: "Lalayo pa ba tayo sa walang himala?"

Dingdong Dantes confirms the likelihood that his wife Marian Rivera will also guest in his GMA-7 primetime series, Pari 'Koy.



Sa unang pagkakataon ay makakatrabaho ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes ang Superstar na si Nora Aunor.

Naibalita ito ng director ng Pari ‘Koy na si Direk Maryo J. delos Reyes sa thanksgiving mass para sa tagumpay ng show at sa ika-35th na kaarawan ng aktor noong August 1 ng gabi, Sabado, sa 17th Floor ng GMA Building.

Isa raw sa mga huling guest nila ay walang-iba kung hindi ang La Aunor.

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “Siyempre nanggaling tayo sa, well, unang-una diyan si Mark [Herras] at saka si Kris [Bernal].

“'Tapos si Louise delos Reyes and, of course, Carla Abellana’s character is parang semi-regular na rin.

“And now we have Andrea Torres and sobrang ganda ng mga roles ng mga guest.

“Pero siyempre, isa sa inaabangan ko talaga at para sa akin dream come true, hindi lang makatrabaho.

“Makausap din ng matagal at makasama kasi palagi ko na lang nakakasalubong sa mga hallway at nakapagpa-picture ako once.

“Pero gusto ko rin maranasan na makatrabaho ang isa sa pinaka-malaking artista ng buong kasaysayan ng pelikulang Filipino.”

Nakita na raw ni Dingdong ang script kunsaan, makakasama na nga niya si Nora.

Pero ayon dito, “Siyempre, kailangan ko munang pag-aralan at basahin.

“Specifically, hindi ko pa mapapaliwanag kung ano ang magiging role niya, pero nasa susunod na siya.”

Ano kaya ang magandang maipapayo ni Father Kokoy sa Superstar sa episode nila?

“E, lalayo pa ba tayo sa walang himala? Lalayo pa ba tayo run?” masayang sabi pa niya bilang pag-alaala sa isa sa klasik na linya na ni Nora sa pelikula niya.


WORKING ANEW WITH MARIAN? Sa isang banda, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng Pari ‘Koy, mabilis nitong kinumpirma na posibleng matupad ang kahilingan ng mga fans nila na mag-guest rin sa show nila ang misis niya, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Personally, gusto ko yun at sana, mahanapan namin na maganda at meaningful na role.

“Medyo matagal pa naman, mga ilang Linggo pa rin na tatahakin ng istorya.”

Masayang-masaya ang aktor dahil sa tagumpay ng kanilang primetime series at ayon nga rito, nakaka-dalawang extension na.

Maganda raw ang nangyayari sa Pari ‘Koy dahil nakakapagpasok sila ng iba’t-ibang kuwento na kadalasan ay napapanahong isyu sa bawat pamilya o kahit sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN