Megan Young on sister Lauren as archenemy in MariMar: “Hindi ko alam...kung may balak ba siyang sampalin ako at itulak sa putik.”

Megan Young (wearing red) on her return to acting after two years (her last project was the TV5 drama series Misibis Bay): “Inaamin ko na matagal na akong ‘di nakakaarte sa TV bago ako naging Miss World." Her leading man in the MariMar remake is Tom Rodriguez while her sister Lauren will be her archnemesis.




Pinapakita na sa GMA-7 ang teaser trailer ng inaaabangan na primetime teleserye na MariMar, kung saan bida si Miss World 2013 Megan Young.

Ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez ang gaganap bilang Sergio Santibanez.

Ito ang ikawalang Pinoy remake ng hit Mexican telenovela na Marimar na pinagbidahan ni Thalia at Fernando Capetillo.

Sa naunang Philippine version na ginawa noong 2007, pinasikat nito ang kinikilala na ngayon na Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Naging mister ni Marian sa totoong buhay ang gumanap na Sergio, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.


SISTER AGAINST SISTER. Sa panayam ng GMA News program na 24 Oras kay Megan sa photo shoot ng MariMar sa Zambales, sinabi ng actress-turned-beauty queen na dibdiban ang pag-attend nito ng acting workshops para sa pinagbibidahan niyang teleserye.

“Marami po akong dinadaanan na workshops, lalo na sa acting.

“Inaamin ko rin na matagal na akong ‘di nakakaarte sa TV bago ako naging Miss World,” pag-amin ni Megan, na ang huling TV acting job ay sa TV5 drama series na Misibis Bay noong 2013.

Ikinatutuwa ni Megan na ang gaganap sa MariMar bilang kontrabida na si Angelika Santibanez ay ang kanyang kapatid na si Lauren Young.

Sobrang bilib si Megan kay Lauren bilang isang aktres, kaya alam niyang magagampanan nito ng buong husay ang papel na Angelika.

“Si Lauren, sobrang talented niyan. She’s a really great actress.

“Hindi ko alam kung may balak ba siyang sabunutan ako, kung may balak ba siyang sampalin ako at itulak sa putik.

“She’s full of surprises,” ngiti ni Megan.

Mula sa direksyon ni Dominic Zapata ang bagong MariMar.


ICONIC ROLE. Hiling raw ni Direk Dom na paniwalain nila Megan at Tom ang viewers na nag-iibigan silang dalawa bilang sina Mari Mar at Sergio.

Wala naman daw problem ito kay Megan.

“Kami ni Tom, sisiguraduhin namin na pagdating kay Mari Mar at Sergio, sila talaga, in love na in love sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kayo magkakamali doon at makikita ninyo na in love na in love sila.”

Para kay Tom, isang malaking pagsubok sa kanya ang buhayin muli ang role na Sergio sa Mari Mar.

“It’s an iconic role. It’s beloved not just by Mexican televiewers but Filipino televiewers as well.

“A lot of people grew up with the characters of Mari Mar.

“It’s a fun challenge to breathe life into it.”

Marami na ang nag-aabang kung mauuwi rin ba sa totohanang relasyon sina Tom at Megan, tulad sa nangyari kina Dingdong at Marian dahil sa Mari Mar.

Kasalukuyang romantically linked si Tom kay Carla Abellana, samantalang si Megan ay matagal nang nababalitang karelasyon ni Mikael Daez.

Bukod kina Megan at Tom, kasama sa cast ng bagong Mari Mar sina Jaclyn Jose, Alice Dixson, Ina Raymundo, Zoren Legaspi, Ricardo Cepeda, Carmi Martin, Jaya, Kuh Ledesma, Cris Villanueva, Solenn Heussaff, Dion Ignacio, Candy Pangilinan, Valeen Montenegro, Frank Magalona, Katya Santos, Ashley Cabrera at Ronnie Liang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN