Nadine Lustre recalls experience shooting On the Wings of Love in San Francisco

Nadine Lustre says she can relate to her character, Leah, because both of them are hardworking and are willing to sacrifice for their family.



Aminado si Nadine Lustre na may nararamdaman siyang pressure sa kanilang kauna-unahang teleserye ni James Reid, na pinamagatang On The Wings Love.

“Yes, may pressure. Actually both po, may pressure po at excited. Kasi po first ever namin po itong full-length teleserye. Tapos, ang laking project po kasi ito. So, parang sa amin ibinigay ito, kaya parang may responsibility din po at the same time," saad ni Nadine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment writers sa ginanap na presscon ng naturang serye sa 9501 restaurant sa ABS-CBN, last Monday, August 3.

“Super grateful po namin ni James kasi ang dami pong puwede and yet kami po yung pinili. So, isang malaking blessing po siya para sa amin, kaya super thankful po kami sa ABS-CBN at sa Dreamscape," dagdag ni Nadine.

“Super-excited po kami ni James with this project. Plus, primetime na po ito, e. So, abangan po ninyo ang most romantic teleserye ngayong 2015.”

Directed by Antoinette Jadaone and Jojo Saguin, mapapanood ang On The Wings Love mula Lunes, August 10, sa ABS-CBN.


MORE MATURE. Sinabi rin ng young actress ang kaibahan ng seryeng ito sa mga naunang nagawa na nila ni James.

“Ito po this is more mature, pero mas complicated iyong relasyon namin dito. Hindi po ito like puro kilig lang. Of course, mayroon ding involvement yung family, sacrifices, about sa OFW [overseas Filipino workers], ganyan.

"Kaya marami pong makaka-relate rito, especially yung mga Kapamilya natin sa overseas.”

Ito ba ang first time na gumanap sila ni James bilang mag-asawa?

“Opo, kaya kakaiba po ito talaga,” nakangiting sabi ni Nadine.

Dagdag pa niya, “As a married couple dito, magka-away po kami sa umpisa. Parang ayaw po namin sa isa’t isa.

“Ikinasal po kami. So kailangan po to act like a real couple talaga. Pero kapag wala pong tao, magkagalit po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw po namin sa isa’t isa, as in palagi po kaming nag-aaway. Iyong relationship namin, parang cat and dog relationship po siya.”


JUST LIKE NADINE. Sinabi rin ng Kapamilya aktres na nakaka-relate siya sa karakter niya rito na si Leah.

“Dito po kasi, si Leah, she’s very hardworking. Tapos magsa-sacrifice po talaga siya para sa kanyang pamilya.

“Ako po, ganoon din po ako sa totoong buhay.”

Nais ni Leah na makarating ng Amerika para makatulong sa kanyang pamilya.

Si James naman si Clark, isang binata na lumaki sa Amerika na naghahangad bigyan ng magandang buhay ang mga kapatid na nasa Pilipinas matapos mamatay ang kanilang ina.

Sa pagtupad ng kanyang American dream, haharapin ni Leah ang isang malaking problema dahil sa nalalapit na pag-expire ng kanyang visa. Upang manatili sa bansang kanyang pinapangarap, makikipagkasundo si Leah na magpakasal sa American citizen na si Clark, kapalit ng perang kinakailangan nito.


SHOOTING IN SAN FRANCISCO. Nag-kuwento rin si James Reid ng experience nila habang nagsu-shoot sa United States.

"It was really overwhelming. We're shooting in San Francisco. Everywhere you look, it's like a movie. I feel like I've seen it in a movie before.

"The feeling was incredible because it was a drive over the Golden Gate Bridge, there was a shoot in Napa Valley with the grape vines."

Nasabi rin ni Nadine na kakaibang experience sa kanya ang mag-shooting sa San Francisco.

"Everything was amazing. Sa San Francisco, ang ganda-ganda ng lahat. Parang movie siya talaga."

Dagdag pa niya sa separate interview, “Like what Direk Tonette [Jadaone] said po, parang tulong-tulong talaga po kaming lahat. Kaunti lang talaga kami. Ang standby area po namin ay sa service.

“Pero for some reason, sobrang enjoy po. It was a whole new experience para po sa amin ni James.”

Kargado rin ba sa mga kilig scenes ang teleseryeng ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakakilig po siya, super! Like even po si Direk Tonette, parang na-confirm niya po na pati siya ay kinikilig.

“Kaya I’m really thankful na kahit po yung mas matatanda sa amin, na kahit hindi po namin generation ay kinikilig sila.

“So, super thankful po ako, kasi po ay naa-appreciate nila na parang kahit puro pagpapakilig ang ginagawa namin ni James, parang hindi po sila nauumay, hindi po sila nagsasawa.

“So I guess it is po, maraming pampakilig dito. At saka dito po kasi sa On The Wings of Love, ang kaibahan po siguro, mas level up po kami, mas mature nang kaunti,” esplika pa ni Nadine.

Kabilang din sa cast ng OTWOL sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casino, Nanette Inventor, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia, Cherry Pie Picache, Isay Alvarez at Katya Santos.

Kasama ni Jadaone na nagdirek ng On the Wings of Love si Jojo Saguin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN