Jessica Sanchez will perform in pilot episode of Sunday PinaSaya

Jessica Sanchez is in town and will make guest appearances in various GMA live shows to the delight of her fans.


Nasa Pilipinas ngayon si Jessica Sanchez, ang Filipino-Mexican na first runner-up sa American Idol Season 11 kung saan ang nagwagi ay si Phillip Phillips.

Dumating si Jessica sa bansa�kaninang umaga, August 7, at dumiretso na sa live appearance niya sa Unang Hirit.

Sa Linggo naman, August 9, ay espesyal na bisita si Jessica sa live pilot episode ng Sunday PinaSaya sa GMA kung saan may solo song number siya.

Bukod dito ay ilu-launch din sa show ang duet nila ni Christian Bautista na pinamagatang "Two Forevers" sa ilalim ng Universal Records.

Ang Sunday Pinasaya, na mapapanood tuwing Linggo mula alas-dose hanggang alas-dos ng hapon, ay ang bagong programa ng Kapuso Network.

Ito ang pumalit sa Sunday All Stars at ka-back to back ng Wowowin ni Willie Revillame na mapapanood naman mula 2 P.M. hanggang 3:15 P.M.

Mainstays ng Sunday PinaSaya sina Ai Ai delas Alas, Marian Rivera, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, at Joey Paras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN