Dra. Pie Calayan makes showbiz comeback with health-related TV show; quashes rumors about five-year hiatus

Dra. Pie Calayan (shown with husband Dr. Manny Calayan) says she doesn't mind all the rumors that surfaced when she temporarily quit showbiz and stayed in the U.S. for the last five years: “Hindi naman, kasi alam ko naman pag nasa showbiz or sa media, talagang pag hindi ka nakita bigla, either buntis ka or ano, di ba?”




Limang taong namalagi si Dra. Pie Calayan sa Amerika at habang naroroon siya ay kumalat ang mga balitang may malubha siyang sakit kaya nagdesisyon na doon manirahan.

Nakarating raw sa kanya ang mga bali-balita.

“Oo, nakakatawa.

“Natatawa na lang kami ng mga bata.

“Kasi magkakasama kami doon, e, so makakabasa ka ng ganun 'tapos alam mo na hindi totoo so kami ng mga bata, tawanan nang tawanan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dra. Pie nitong nakaraang August 6 sa Torre Venezia Suites sa presscon ng bago nilang Sunday show ng mister niyang si Dr. Manny Calayan sa GMA News TV, ang Healthcetera.

Nagkasakit nga ba siya ng malubha?

“Stress lang talaga. Gusto ko lang mag-rest. E, tamang-tama, mag-aaral yung mga bata so dun na rin ako.

“E, pagdating ko dun, ayoko nang bumalik kasi ang sarap e,” at tumawa ang beauty doctor.

Hindi raw siya talaga nagkasakit.

“Hindi,” diin niya.

Na-offend ba o nabahala si Dra. Pie nang intrigahin siyang may malubhang sakit?

Pagklaro niya, “Hindi naman, kasi alam ko naman pag nasa showbiz or sa media, talagang pag hindi ka nakita bigla, either buntis ka or ano, di ba?”

Pero dahil nga sa pagbabalik ni Dra. Pie sa Pilipinas ay napatunayan niyang wala siyang malubhang sakit.

“For good” na raw ang pamamalagi ni Dra Pie sa Pilipinas.


CLOSE SHOP. Isinara na nila ang Calayan beauty clinic nila sa Beverly Hills sa U.S. noong January.

“Kasi nga pag nandito ako 'tapos walang magte-take over doon, wala na ring pupunta sa clinic. Gusto nila ako, ako yung hinahanap, e,” paliwanag pa niya.

Pati ang dalawa nilang anak na sina Andrea at Bernice ay nandito na rin sa Pilipinas, at ang panganay naman na si Hannah ay sa Canada nag-aaral.


SHOW CONCEPT. Samantala, pinakuwento namin kay Dra. Pie kung ano ang Healthcetera na show nilang bago sa GMA News TV tuwing Linggo, 9:00 to 9:30 a.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Health and beauty, wellness, fitness talaga.

“Meron ako ditong tatlong segments: Beauty Talk, may guest ako dito na mga clients namin talaga, real clients na na-experince na nila yung treatment, ise-share nila kung ano’ng experiences nila.

“Tapos meron akong Fit For You & Me, may mga Pilates instructor ako, Yoga instructors na kasama na guest.

“Yung third naman Healthy Plate, mga healthy way of cooking. Yung first and second episodes, yung favorite food ko like salmon, salad, mga ganun,” detalye niyang kuwento.

Ang mga segments naman ni Dr. Manny ay Health Matters & You.

“About cosmetic surgery pero ita-tackle niya pati mga complications, mga hindi puwede dahil diabetic, ganun,” dagdag pa ni Dra. Pie.

Hosts rin ng Healthcetera sina Ms. Marou Pahati-Sarne na host rin ng Radio Klinika sa DWIZ, Dr. Sonny Viloria na medical director ng Biovitale Holistic Center at si Ms. Nina Taduran ng Wanted Sa Radyo ng Radyo Singko.

“Sa alternative medicine silang tatlo, ano sila, mga health advocates,” banggit din niya.


NO TO POLITICS. Samantala, kahit may mga humihikayat kay Dr. Manny na tumakbo sa pulitika ay ayaw nito; at ayaw rin ni Dra. Pie at ng kanilang mga anak.

Sabi niya, “Ano lang, yung good way of earning money na lang, di ba, honest way."


NO COMPETITION WITH BELO. Mahigpit na kakompetensya naman ng Calayan Surgicentre ang Belo Medical Group, pero hindi raw sila magkaaway ni Dra. Vicki Belo.

“Ano lang, pag nagmi-meet, 'hi-hello,' ganun lang talaga,” paglinaw niya.

Hindi rin naman daw sila close friends.

“Hindi talaga e, acquaintance lang talaga. Once lang kami nagkita sa isang show, pareho kaming guest, iyon lang,” pahabol pa niya.

Wala raw intrigahan sa pagitan nila.

May YouTube channel na rin si Dra. Pie.

“Pinrodyus ng Viva, ni Boss Vic [del Rosario]. Dra. Pie Calayan: Beauty & Wellness. Iyon naman puro about beauty and wellness lang talaga, and iyon ako lang talaga yung host.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOCUMENTING HER LIFE STORY. Kung gagawin ang buhay niya sa Magpakailanman, papayag siya?

“Puwede, why not?” ang nakangiting sagot ni Dra. Pie.

Wala raw problema sa kanya kung ikukuwento sa publiko ang buhay niya.

Sino ang pipiliin niyang gumanap bilang siya?

“Puwede ba si Kris Jenner? Ganun e,” at tumawa si Dra. Pie.

O isa sa mga endorsers nila tulad nina Cristine Reyes o Solenn Heussaff?

“Kahit sino, maganda naman silang lahat,” at muling tumawa si Dra. Pie.

Kapag natsitsimis sila ni Dr. Manny na hiwalay na sila, ano ang nagiging reaksyon niya?

“Proud! E, kasi ano, e, the more na tsini-tsismis nila kaming hiwalay, the more na hindi.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN