Christian Bautista describes duet with American Idol runner-up Jessica Sanchez as "magical"

Christian Bautista says hosting a show is "going back to my roots kasi Star In a Million ako dati. So ngayon ako naman ang naghu-host ng singing contest. And nag-host na rin ako dati sa ABS-CBN, ‘yong Star Power with Sharon Cuneta." In this photo, Christian is joined by American Idol runner-up Jessica Sanchez.



Marami ang nakagusto sa duet nina Christian Bautista at Jessica Sanchez nang mag-guest ang dalawa sa August 9 pilot episode ng bagong show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.

Maganda ang feedback ng mga nakapanood sa kanilang naging performance.

“It was great!” sabi ni Christian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“It was magical, and I’m so happy that everyone liked it.

“And Jessica enjoyed it as well, kasi siyempre first episode ng Sunday PinaSaya… we had a good time.”

Kinanta nina Christian at Jessica ang duet nila na "Two Forevers."

“It’s out now sa Spotify, iTunes, Spinner… and it’s gonna be part of the repackaged album na Soundtrack,” pagtukoy ni Christian sa kanyang latest album.

Sino ang nag-compose ng "Two Forevers?"

“’Yong nag-compose po ng unang kanta ko dati na 'The Way You Look At Me,' si Andrew Fromm.”

Isinulat ba ito para sa klanilang dalawa ni Jessica talaga?

“He had this song a while ago na, and then sabi niya bagay sa amin, so ibinigay niya sa amin.

“We recorded the song a few months ago.”

Isang beses lang daw nila ni-rehearse ang nasabing duet, “Inaaral naman talaga ‘yan sa bahay, e, ‘tapos pagdating do’n, game na.”

Effortless raw sa kanila ni Jessica ang pagdu-duet, “Parang gano’n. Smooth… natural.”

Pagkatapos ng kanilang guesting sa Sunday PinaSaya ay muli nilang kinanta kinagabihan ang "Two Forevers" sa concert naman ni Jessica sa Chaos Club sa City of Dreams kung saan guest si Christian.

Mauulit pa kaya ang paggi-guest ni Christian sa bagong Sunday variety show ng GMA-7 na naging kapalit ng Sunday All Stars?

Sagot niya, “I’m not sure of the regularity of that, pero it’s just really a special guesting for a special show.

“Kasi siyempre ang mga main [hosts] naman ay sina Marian [Rivera] and Ai-Ai [delas Alas] and all the other comedy actors.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALENT SEARCH HOST. Nasanay siya dati na may regular live show tuwing Sunday afternoon, paano maiiba ang mga daraang Linggo niya sa ngayon?

“More on mall shows, provincial shows, mga out of town and out of the country rin.

“Meron kasi akong gagawing show sa United Kingdom, meron din sa Texas, sa San Francisco, New York, Singapore.

“So medyo concentrate sa international.

“’Yong show ko ngayon, meron akong hinu-host na singing contest, ‘yong To The Top na boy band search show ng GMA.

“Parang… going back to my roots kasi Star In a Million ako dati.

“So ngayon ako naman ang naghu-host ng singing contest.

“And nag-host na rin ako dati sa ABS-CBN, ‘yong Star Power with Sharon Cuneta.

“I like hosting, e, nag-host din ako noon sa Marian Rivera show for two seasons.


LESS ACTING, MORE MUSIC. How about acting? May bagong soap ba siyang gagawin?

“Kakatapos lang ng My Mother’s Secret, so I’m very happy, I learned so much.

“And sa ngayon, focused muna ulit on the music, most likely until December na sa music muna ako, yeah!

“Booked na ako sa maraming shows nitong mga susunod na buwan up to November.”

Sa ngayon, pinaghahandaan na raw niya ang mga shows na gagawin niya abroad.

“’Yong sa Texas, concert talaga at saka ‘yong sa San Francisco, ‘yong sa U.K., special project ‘yon.

“’Yong sa Singapore is a show, ’tapos ‘yong sa San Francisco is a GMA Pinoy TV show.”

Sino ang mga ibang Pinoy artists na kanyang makakasama sa mga concerts at shows niyang ito?

“Solo artist ako do’n sa concerts at shows.

Sa GMA Pinoy TV show naman, makakasama ko sina Dingdong [Dantes], si Ai-Ai, si Betong, at Julie Anne San Jose.

“At meron kaming duet [ni Julie Anne] na 'Cruisin,' it’s out now on MYX,” panghuling nasabi ni Christian.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN