Does Kathryn Bernardo get jealous when Sarah Carlos shoots scenes with Daniel Padilla?

Kathryn Bernardo gives her assessment of Sarah Carlos, who plays the new Bea Bianca in Pangako Sa 'Yo: "Medyo naninibago pa siya."



Bagamat may bagong leading lady si Daniel Padilla sa kanilang teleserye, nananatiling secure si Kathryn Bernardo sa kanyang kapareha.

Sa launching ng kanyang bagong endorsement na Primadonna na ginanap sa Green Sun, Pasong Tamo Extension, Makati City, noong August 8, kinamusta ng PEP.ph si Kathryn tungkol sa kanilang teleseryeng Pangako Sa 'Yo.


Nakita na ba ni Daniel Padilla ang poster mo sa Primadonna kunsaan medyo may pagka fierce ang dating mo? Ano kayang masasabi ni Daniel sa poster mong iyan?

Kathryn: “Hindi pa niya nakikita. Wala naman yung masyadong comment pagdating sa ganyan. Pero isa siya sa mga una kong sinabihan ko na endorser ako ng Primadonna, natuwa naman siya. For sure pag nakita niya 'yan, matutuwa naman siya.”


Ano pa ang aabangan sa teleserye n'yo ni Daniel Padilla na Pangako Sa 'Yo?

Kathryn: “Marami pa, nagkita na sina Amor at Eduardo [played by Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion]. Aabangan din ang paghaharap nina Claudia at Amor.

"Ngayon naman sa love story namin ni Angelo, mas nade-develop na si Yna kay Angelo. And then pumasok na si Bea Bianca, nandyan na rin si Diego. Dumarating na yung mga characters na inaabangan din ng mga tao from original Pangako Sa 'Yo, so marami pa silang aabangan na mga episodes namin.”


Nagka-eksena na ba kayo ni Sarah Carlos, ang gumaganap na bagong Bea Bianca?

Kathryn: “Yes! Nag-air na po itong week na ito.”


Kamusta naman siya bilang baguhang artista?

Kathryn: “Okay naman siya and gina-guide namin siya lahat, kasi, first time niyang mag-taping. Medyo naninibago pa siya. Pero open kasi si Sarah sa guidance namin pagdating sa acting. Tinuturuan siya nina Direk Cathy [Garcia Molina], nina Direk Richard. Okay siya! Kitang kita mo na excited siya sa taping and natutuwa siya roon sa character bilang Bea Bianca.”


May selos factor ba sa iyo kapag magka-eksena sila ni Daniel Padilla sa Pangako Sa 'Yo?

Kathryn: “Hindi naman! Kasi very accomadating si Sarah, kinakausap ko siya off-cam. Noong unang day pa lang ang dami na naming chika, so maganda naman yung start namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN