Robi Domingo explains why he turned down offers for acting stints in the past

Robi Domingo wants to win a solo award for hosting before taking on more acting projects. "Hindi muna po kami mag-a-accept ng acting [project] hanggang sa manalo po ako ng award sa hosting," said the 25-year-old TV host.



Marami ang nakaabang kung ano ang susunod na mga magiging kaganapan sa pagpapatuloy ng Pinoy Big Brother 737.

Kagaya ng main host ng show na si Toni Gonzaga, co-host na si Bianca Gonzales at Enchong Dee, si Robi Domingo na naghu-host ng PBB Updates ay wala rin daw idea kung ano ang mga susunod na mangyayari.

“Tulad po ng mga sinasabi nina Toni at Bianca… kami po yong huling nakakaalam,” sabi ni Robi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Kapag ibinigay po sa amin yong script on that day, don pa lang namin po malalaman kung ano yong mga kaganapan.


DAILY WORK. Kuwento pa ni Robi, “Everyday po ang work schedule ko sa PBB. I’ll be there 10 a.m. po. Tapos update na po kaagad.

“And then ang nangyayari, meron pong bago ngayon na PBB, yong Gold. Ang call time ko naman po ay 2 p.m. hanggang 5 p.m. na po iyon.

“Tapos ang next ko ay 6 p.m. hanggang 9 p.m. naman, para sa online show. So buong araw nasa PBB po talaga ako.

“Sa The Voice naman po, may ginagawa lang kaming online show every week with Darren Espanto. Ito yong sa The Voice@ABS/CBN.Com/Sat.

“Once a week lang po iyon. Ipinapalabas siya every weekend.”

Puno na ang buong linggo ni Robi, sa PBB at The Voice pa lang. Pero okay lang daw kay Robi kahit halos wala na siyang pahinga.

“Kapag season po ng PBB, talagang focused muna talaga ako don. E, nagkataon na sumabay pa po yong The Voice ngayon.

“And sobrang suwerte ko, kasi parte pa rin ako ng ASAP at saka MYX. So everyday po talaga, may ganap.”


DREAMING OF OWN SHOW. Kuntento na ba siya sa kasalukuyang takbo ng career niya sa ABS-CBN o may kulang pa na gusto ni Robi na ma-achieve?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako… I can’t ask for more po. Pero siyempre, may mga pangarap pa rin tayo na sana matupad in the future.

“Like siyempre… having my own show. Pero siyempre ngayon, parang nag-u-OJT [on-the-job training] po ako from the greats, e.

“Like kay Toni Gonzaga, Luis Manzano, Tito Boy Abunda… nag-u-OJT ako sa kanila.

“And I’m happy where I am right now.”


DREAM SHOW. If there’s one show na dream niyang i-host ng solo, anong klaseng programa ito?

“’Yong Game KNB. Gano’ng show.”

Labis ang pag-idolo ni Robi kay Luis Manzano bilang host.

Kung matutuloy ang napapabalitang pagsabak ni Luis sa politika, sino pa ba ang malapit na puwedeng sumunod sa yapak nito kundi si Robi?

“Sana po, magdilang-anghel kayo diyan.

“Idol ko talaga si Luis kahit anong mangyari. Kasi siya po talaga ang nagturo sa akin kung paano magsalita, e.

“Coming from MYX, silang dalawa po ni Andrei Felix.”


HOSTING FIRST; ACTING, SECOND. Ngayong sa hosting nga siya nalilinya, masasabi bang acting is far from Robi’s mind?

“Acting naman po is something na I want to try. Pero I have to establish myself as a host po muna.”

Nakagawa na rin ng ilang acting projects si Robi. And since then, hindi naman daw nawawalan ng offers sa kanya.

“Medyo marami-rami na rin nga po akong na-turn down. Kasi ang sinabi ko po sa sarili ko at saka nag-usap po kami ng boss ko sa Star Magic na hindi muna po kami mag-a-accept ng acting hanggang sa manalo po ako ng award sa hosting.

“Parang iyon po ang batayan, e.”

Ilang beses na siyang nanalo ng awards as host sa PMPC Star Awards For Television, di ba?

“Opo. Pero iba pa rin po yong solo, e,” sagot ni Robi.

“Kasi yong mga awards po na nakukuha ko… with Toni [Gonzaga], with Alex [Gonzaga], with sina Bianca [Gonzales], with Luis [Manzano].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang iba pa rin po yong feeling na nakatatak yong pangalan ninyo sa bituin.”


GOOD VIBES. Speaking of projects na tinanggihan niyang gawin, mga teleserye ba ito?

“May mga teleserye, may mga movies din po. Na… it’s actually drama talaga, e.

“Pero ang habol ko lang po ngayon, light, e. Kasi gusto ko good vibes lang.”

Mga pang love triangle daw yong ilan sa mga roles na in-offer sa kanya.

Pero ano kaya kung isang malaking role na leading man talaga siya o bida kapantay ng kanyang leading lady?

Gawan kaya niya ng paraan na maisingit ito sa hectic na hosting schedule niya?

“Baka puwede. Depende po sa role talaga kung talagang maganda.”

Meron ba siyang dream leading lady sakaling sasabak siya sa pagiging leading man?

“Honestly this time… parang sobrang comfortable po ako kay Alex. Kasi iba yong ano, e… iba yong feeling kapag kasama ko siya, e.

“Na… medyo light lang. Malamang rom-com [romantic comey] na tema ng project, mga ganon,” panghuling sabi ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN