Matteo Guidicelli in boxer shorts and topless in new TV series, does Sarah Geronimo know?

Everything around him nowadays is "positive," according to Matteo Guidicelli, "I'm very, very happy… maraming bagay na nangyayari ngayon especially in my relationship [with Sarah Geronimo, right], in my work." He is currently paired with Shaina Magdayao (left) in Cinema One's romantic-comedy series Single/Single.




Unang pagkakataon na magtatambal sa telebisyon sina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli sa proyektong handog ng Cinema One at The Philippine Star, ang Single/Single.

Kaya nang makausap si Matteo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media, hiningan namin siya ng reaksyon sa unang pagsasama nila ng Kapamilya actress.

Bungad ng Kapamilya actor, "Shaina is very, very nice to work with, sobrang generous po siya.

“Sa standby area ay maraming-marami siyang healthy food.

"Magka-vibes kami sa pagkain so nagsi-share kami ng pagkain.

"On the set naman, she's very professional.

“She's very generous with her feelings and with her emotions.

“There's nothing to be afraid of, there's nothing to be shy.

"She's Joee [character ni Shaina], and I'm Joey [character ni Matteo]. She's very nice."


THE KISS. Ang Single/Single ang kauna-unahang TV series na mapapanood sa cable channel. Magsisimula ito sa August 29, Sabado, sa ganap na alas otso ng gabi sa cable channel Cinema One.

Kuwento ito ng isang babae at lalaki na dahil gustong makatipid sa gastusin ay walang magawa nang malaman nila na silang dalawa ang magiging housemates na kanilang nirerentahan.

Sa totoong buhay, saan ba mas nag-i-enjoy si Matteo, ang maging single o ngayon na meron na siyang Sarah Geronimo?

Saad ng boyfriend ni Sarah, "Siyempre, na-enjoy ko naman ang pagiging single, pero mas nai-enjoy ko ngayon na ano, 'di ba?

"Kasi, siyempre, may partner ka sa buhay, ang sarap-sarap... mas masarap, mas masaya, siyempre."

Napagusapan rin lang si Sarah, iyong kiss nito kay Matteo sa finish line sa triathlon na ginanap sa Cebu kamakailan lang, saan ito dumapo, sa lips ba o sa cheeks?

Naiilang na nahihiyang sagot ng aktor, "Sa cheeks, sa cheeks… hayan, pinagpapawisan na ako. Hahaha!

"I'm very, very happy… maraming bagay na nangyayari ngayon especially in my relationship, in my work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everything around me, positibo lahat."

So, nasa kanya na ang lahat ngayon—magandang career, blooming na lovelife.

Nakatawang saad niya, "Hindi pa naman, there are so many things pa you have to work at.

"Marami pang bagay na you still have to improve on, to work on, to achieve."

Kumusta naman ang relationship niya ngayon sa parents ni Sarah?

Aniya, "It's okay, everything's okay."

Mas maganda ba kaysa dati?

Pakiusap niya, "I really want to answer, but I can't.

"I really respect their side and as much as possible, I want to keep it quiet, so yun."



CONDO LIVING. May mga eksena sa Single/Single na naka-shirtless si Matteo at naka-boxer shorts.

Hindi ba siya nailang sa kanyang co-star na si Shaina?

Aniya na natatawa, "Nailang ako dahil naka-boxers lang ako, e.

"Basta ayaw ko nang magsalita… gusto kong magsalita, pero takot ako.

"Well, ano naman, wala naman, it was very natural kasi yung set namin, parang nasa isang maliit na condo.

“So parang pakiramdam talaga namin ay nasa condo talaga kami.

"So every moment, in character kami, kaya very natural, kumbaga."

Masasabi ba niya na first adult role niya ito?

Pagkontra ng 25-year-old actor, "Di naman, kung maaalala niyo yung Paraiso.

"Kasi dun, nasa isla ako, laging nakapantalon lang ako [na walang shirt], dito, naka-boxers lang ako.

"So, I guess, every time na nagigising ako, yun naka-boxers lang ako.

"Si Joee naman, lagi niyang sinasabing, 'Excuse me, we’re both living here, ayoko nang ganyan.'

"Lagi kong nakakalimutan... It's about real life talaga, about two strangers living as one, 'di ba?"

Alam ba ni Sarah ang tungkol sa topless scenes niya?

Nangingiting sagot niya, "No, I haven't told her, this is the first time.

"Yun, malalaman na niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN