Willie Revillame announces world tour of Wowowin; teases Andrea Torres about having a baby

During the taping of Wowowin, Willie gets a surprise visit from Alex Magbanua, the floor director of his rival show, ASAP.



Napakataas ng energy ni Willie Revillame sa taping ng Wowowin sa GMA-7 last Friday.

Ganado si Willie at ang buong staff ng Wowowin dahil sa napakagandang pang-bwena mano na rating ng pilot telecast ng show nila sa bago nitong timeslot after Sunday PINASaya.

Pangako ng TV host na mas pagagandahin pa nila ang show at magsisilbing inspirasyon ang nakuha nilang rating last Sunday, August 9.

In fact, isang nakakaaliw at masayang episode ang itinape nila last Friday, August 14.

Very humble naman na umiwas magbigay ng pahayag si Willie sa napakainit na pagtanggap muli ng audience sa bago niyang show sa Kapuso network.

“Hayaan na natin ang mga tao ang magsalita tungkol diyan,” sabay turo niya sa kanyang mga labi na nakatikom.

Nakausap namin si Willie sa kanyang dressing room sa studio ng Wowowin sa Kalayaan Avenue.

Nagsalita si Willie habang nagre-rehearse ang kanyang mga dancers with Andrew E na guest nila.

Nabanggit ni Willie na number one ang show nila sa ratings at naungusan nila ang katapat na programa sa ABS-CBN, ang ASAP.

Pagkatapos ay sinabi niya na masaya rin siya that afternoon dahil dinalaw sila ng floor director ng ASAP na si Alex Magbanua.

Sa unang pagkakataon ay inanounce rin ni Willie na magkakaroon ulit ng world tour ang Wowowin bukod pa sa pagikot nito sa buong Pilipinas.

Ang unang trip abroad ng Wowowin ay sa Dubai sa buwan ng October. Susunod na ang Italy, London sa United Kingdom at United States.

Katunayan, ka-meeting na ni Willie ang mga producers ng Wowowin worldwide right after ng kanyang taping.

Excited si Willie sa paglabas muli ng bansa ng kanyang programa dahil makikita at mabibigyan saya ng naman niya ang overseas Filipino workers.

Ang GMA-7 star na si Andrea Torres ang guest co-host ni Willie sa taping niya that day.

Hindi naman napigilang ipakita ni Willie ang paghanga niya sa magandang co-host kaya naman hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na “ligawan” si Andrea habang tumatakbo ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biglang kinantahan ni Willie si Andrea at binulalas ang kanyang damdamin para sa Kapuso star.

At sa huli, pabirong seryoso na sinabi ni Willie kay Andrea kung type ba niya na magkaroon sila ng baby ng guest co-host.

“Ano lang yun, biruan lang para masaya yung show at ma-relax siya,” sabi ni Willie.

Samantala, ilang source ang nagsasabing malapit nang mapanood ng live ang Wowowin every Sunday.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN