Julia Montes challenged by dual role in Doble Kara: "Sabi ko, ‘Paano po, Lord, tulungan niyo ko kasi, dalawa.'"

Julia Montes has two leading men in Doble Kara, Edgar Allan Guzman and Anjo Damiles. Her comment, "Ang galing po ng mga kasama ko ngayon. Si Anjo po, kapag kaeksena mo siya, hindi mo mapi-feel na... una niya itong teleserye. Alam naman po natin na magaling talaga si Edgar, way, way back pa po.”



Panibagong hamon sa kakayahan ni Julia Montes ang bago niyang serye ngayon na mapapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, ang Doble Kara kunsaan dalawa ang katauhan ng role niya.

Bago ang taping, dumaan daw muna si Julia sa ilang series of workshop dahil bago raw sa kanya ang ganitong klase ng karakter.

Pahayag niya, “Tinutukan po talaga namin yung sa workshop, medyo naglaan po kami ng oras dun.

“Gumawa po kami ng character differences like ano yung isa, ano ang pagkakapareho nila o pagkakaiba.

“Para nga po pagdating sa taping, medyo kapa na namin, kasi medyo mahirap nga po siya.

“Hindi po siya yung isang araw, puro character ka lang… talaga pong on and off, on and off, iba-iba po.”

Ang Flordeliza ang pinalitan ng Doble Kara, na nasa ilalim ng direksiyon ni Emmanuel "Manny" Palo at Jon Villarin. Makakasama rin ni Julia rito sina John Lapus, Alora Sasam, Allen Dizon, Carmina Villarroel, Mylene Dizon at Ariel Rivera.


DUAL CHARACTER. Dahil dalawa ang karakter niya rito bilang sina Sarah at Kara, nalilito ba siya kapag nagte-taping?

“Ngayon po dahil konti pa lang ang nakukunan ko, medyo hirap pa po… siguro po hindi pa po pumapasok sa akin.

“E, kapag nagti-taping kami, alam na namin yun kapag isang character.

“Dito po sabi ko, ‘Paano po, Lord, tulungan niyo ko kasi, dalawa.

“Excited lang din po ako dahil tinututukan ako ni Direk Manny [Palo] at yung mga katrabaho ko.

“Every time may taping, mahirap man ako or sa mayaman, mapi-feel ko kung anong eksena ang kailangang ibigay ko for that moment.”

Ang kuwento ay iikot sa buhay nina Sarah at Kara, nabuhay sa isang mahirap pero masayang pamilya.

Dahil sa pagkakaroon ng sakit ni Kara, mapipilitan ang ina nila [Mylene Dizon] na ibigay na lamang si Kara sa tunay nitong ama.

Magtatagpo muli ang landas nila kapag malaki na sila at mga dalaga na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba ipakikilala ni Julia kung sino sina Sarah at Kara.

“Yung isa po, mas loud, si Sara. Mas colorful kasi, sanay po siyang sumali sa contest, beauty pageant.

“Si Sara po, yung confidence niya nandun, talagang confident na confident siya sa sarili niya.

“Sa Kara naman, may confidence rin siya, pero ibang level lang po.

“Mataas ang grado niya sa school, iba siyang tumingin sa life… mas understanding siya, mas artistic in a way.

“Iba yung pagka-artistic nila… artistic sa entertainment si Sara at si Kara, sa pagdu-drawing.”


PREFERENCE. Sa dalawang karakter niya, mas mag-e-enjoy raw siya ngayon bilang si Sara.

“Nae-enjoy ko po ngayon ang Sara siguro kasi, bagong ako.

“Sabi ko nga noong una, parang nahihirapan po ako kasi hindi ko pa nagawa ito.

“‘Eto, pareho silang mabait, so paano?

“‘Tapos si Sara, iba ang characteristic niya, colorful kaya sabi ko, paano ‘to?

“May mga scene na talagang aminado ko, nahihiya ako pero kailangan yun kasi yun si Sara.

“Nae-excite ako at the same time, natsa-challenge ako every scene ni Sara.”


LEADING MEN. Dalawa ang leading men ni Julia sa Doble Kara, sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.

Kadalasan ng serye niya, si Coco Martin ang kapareha niya.

Nanibago ba siya na iba na ang leading men niya ngayon?

“Medyo nahihiya pa ko… kay Coco po kasi, bago kami mag-start na maging kumportable, medyo matagal din po.

“Nagsisimula ang Walang Hanggan, kahit naka-trabaho ko na siya hindi pa sa Walang Hanggan, hindi pa rin ako ganun kakumportable.

“Siguro po, hinahanap ko pa rin po na talagang kumportable ako sa kanila.

“Pero ang maganda, talagang nagri-reach out sila na maging kumportable kami sa isa’t-isa.”

Yung pag-aalaga, nagagawa rin ba nina Edgar at Anjo katulad ng ginagawa sa kanya ni Coco?

“Siguro dahil hindi ko pa sila nakaka-scene masyado, hindi pa masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero si Coco po kasi, talagang maalaga siya.”

Aminado naman si Julia na kahit paano, naninibago rin siya dahil sanay raw talaga siya kay Coco bilang leading man.

“Hinahanap, siguro, hindi po maiiwasan na hinahanap kasi yun ang nakasanayan ko, pero happy po ako na ito nga po ang bago.

"Every time nga po na may bago akong makaka-trabaho, may matututunan kang talaga.

"At nakakatulong din siya na hindi ka kampante, may maibibigay kang iba para iba po siya sa mga nagawa ko na.”

Baguhan pa lang si Anjo, hindi siya nahirapang mag-adjust?

“Hindi po talaga kasi, in fairness, ang galing po ng mga kasama ko ngayon.

"Si Anjo po, kapag kaeksena mo siya, hindi mo mapi-feel na bago lang siya at una niya itong teleserye.

"Hindi mo talaga yun ma-feel kasi, ganun niya ka-love ang work niya.

“At si Edgar Allan naman po, alam naman po natin na magaling talaga si Edgar, way, way back pa po.”

Nabanggit naman daw niya kay Coco kung sino ang mga bago niyang kapareha sa bago niyang serye nang magkasama sila.

“Excited po siya,” lahad ni Julia, “sabi niya nga po, itong Doble Kara, bago, sana magawa ko ang best ko.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN