Ina Raymundo won't mind if viewers start hating her in MariMar; says she did not sign exclusive contract with GMA-7

The 2015 version of MariMar will feature the love triangle of the characters played by Alice Dixson, Ina Raymundo (in photo) and Zoren Legaspi.



First time mag-portray ni Ina Raymundo ng isang kontrabida sa ikalawang remake ng MariMar, kung saan pangunahing tampok si Megan Young at si Tom Rodiguez bilang Sergio Santibanez.

Pero hindi daw naging mahirap kay Ina na gampanan ang karakter ni Brenda Aldama na kaagaw ni Alice Dixson (bilang Mia Aldama) sa pagmamahal ni Zoren Legaspi (bilang Gustavo Aldama, ang tatay ni MariMar).

“Parang ini-imagine ko lang kung paano ba ako kapag nagmamaldita na… kakaiba,” nangiting sabi ni Ina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng nabanggit na bagong primetime series ng GMA-7 that will start airing on August 24.

"Ayoko yung typical na galit palagi or lumuluwa yung mata. So gusto ko funny na medyo maldita na… I don’t know.

“We’ll see. You’ll see na lang,” sabay ngiti ng aktres.

Kadalasan, kapag kontrabida ang role sa teleserye, kinamumuhian ng viewers. Handa ba si Ina kung mangyari ito sa kanya?

“Well, it means I’m doing a good job, di ba? Okay lang yon.

“Alam naman nila na I’m so adorable in real life!” tawa ni Ina.


ACCEPTING THE OFFER. Paano siya nakumbinsing tanggapin ang offer na maging cast member ng MariMar?

“Actually, pupunta ako noon ng China para manood ng baseball [game] ng anak ko. May plane ticket na ako.

“Tapos biglang mga four o three days before the flight, in-offer nga ito. Tapos ipinadala yong script.

“E, ang ganda ng story. Nakakatuwa yung character ko.

“Hindi siya boring. Interesting.”

May kontrata bang pinirmahan si Ina sa GMA?

“Wala. Ano lang ito… I’m a freelancer,” sagot niya.





Brenda Aldama, you are one fab lady!Ÿ’‹ #MariMar2015 #BrendaAldama #GMA7 #ladyinred

A photo posted by Ina Raymundo (@inaraymundo95) onJul 20, 2015 at 3:53am PDT





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN