Who are the celebrities who will join Your Face Sounds Familiar Season 2?

Clues have been given regarding the stars who will join Your Face Sounds Familiar Season 2. Jed Madela (left) says that he, Sharon Cuneta and Gary Valenciano (right) will return to serve as judges.



Nakatakdang mapanood na this quarter ang second season ng talent show na Your Face Sounds Familiar.

“Yes, magkakaroon na soon, actually we are starting the preliminary, yung preparations namin ngayon," kuwento ni Jed Madela, isa sa mga jurors ng ABS-CBN celebrity impersonation show.

“Sobra kaming nabigla din kasi, originally, this is supposed to be for next year pa,” lahad ng singer sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Consistently high nga raw ang ratings ng Your Face Sounds Familiar Season 1 kung saan si Melai Contiveros ang grand winner.

May ipinalabas na teaser at ibinunyag dito na may 8 celebrity contestants na sasali sa second season ng YFSF.

Ang mga contestants (na hindi pa pinapakilala sa publiko) ay tinagurian bilang: "Harana Prince," "The Playful Angel," "Komikero ng Masa," "The Dental Diva," "The Absolute Performer," "Soul Supreme," "Rebel Rock Royalty," at "The Sultry Heiress."

Sabi pa ni Jed, “The show is too good to be put on hold kasi nung natapos yung season one, nagtatanong na agad ang lahat kung kailan ang season two.

"Sobrang masaya, sobrang saya ko kasi hayun nga... sobrang dream come true para sa akin yun.

“People only see me as Jed Madela the singer, Jed Madela the performer.

“Bihira lang nila akong nakikita sa TV na gumagawa ng mga bagay aside from singing.

“Nung in-invite nila ako to be a judge, it was really one of those projects na nilu-look forward ko.

"Sobrang thankful ako to be considered and to be part of season two is another blessing for me.

"Sobrang tinatanaw ko talaga na utang na loob.”

Ayon kay Jed, sila pa ring tatlo nila Sharon Cuneta at Gary Valenciano ang judges ng Your Face Sounds Familiar at si Billy Crawford pa rin ang host.

“Same judges, same host but different contestants.

“May naririnig na kami kung sino-sino, pero mas gusto ko na suprise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa singer, bukod sa pagkakaroon ng show ay nagkaroon siya nang tunay na mga kaibigan sa katauhan ng dalawa niyang co-judges.

“Honestly, hanggang ngayon starstruck pa rin ako, I’ll always be a fan.

“I started as fan of Gary’s hits, lalo na si Ms. Mega, sobrang fan na fan niya ako.

“Five years old, nagsusulat na ako sa kanya ng fan mail at alam niya lahat ‘yan.

“Being one of the judges, sobrang honor sa akin yun.”


BASHERS. Hindi maiiwasan na sa tuwing may bibigyan sila ng mababa o mataas na puntos sa bawat contestants ay may mga fans na natutuwa at nagagalit sa kanila.

Nakasanayan na naman ni Jed ang pamba-bash mula sa mga tagahanga ng mga artistang kalahok.

“Yeah, in all kinds of jobs natin dito sa industriyang ito, whatever you do mayroon talagang ‘di maga-agree sa iyo.

“Mayroon kang mapapasaya, mayroong magagalit, mapipikon.

“Pero what matters is that I do my job well.

“Yung mga bashers naman, some of them wala lang talagang magawa.

“Some, I take their criticisms constructively. I can get some pointers from what they say, it is part of the job.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN