Megan Young reveals roughing it up with sister Lauren when they were kids, "Lahat ng bata, nagsasabunutan, nagsusuntukan..."

Megan Young reveals roughing it up with her sister Lauren when they were kids, "When you’re young and you’re a kid, hindi mo maiiwasan ang rough play. Lahat ng bata, nagsasabunutan, nagsusuntukan, you play really rough talaga, but they're just kids being kids." When asked if there will be kissing scenes already with her leading man Tom Rodriguez, Megan retorts, "Bakit, magpapahalik na ba agad si Marimar?"



Bagong Marimar raw ang mapapanood ng mga manonood sa pagganap ni Megan Young sa title role dito.

Saad niya, “Ito pong bagong Marimar sa 2015, iba siya, ibang istorya po siya.

“Nandiriyan po ang main characters katulad ni Marimar, ni Sergio, Angelika, Fulgoso.

“Ang kaibahan po, kung paano tayo pupunta sa mga inaabangang eksena katulad na lamang yung unang meet ni Marimar at Sergio.

“Lahat ‘yan iba-iba, pati na rin si Marimar, iba na rin siya ngayon.”

Dugtong pa ni Megan, “Sabi ko nga, nire-represent niya ang makabagong Filipina, mas palaban na siya ngayon.

“Kumbaga, kahit na anong pagsubok ang itapon sa kanya, hindi siya natatakot harapin.

“‘Di ba, yung iba, ‘Ayokong gawin, kasi baka mamaya, may mangyari.’

“Hindi niya iniisip yun, ang iniisip niya palagi, ang pamilya niya, ang mga kaibigan niya.

“Iniisip niya palagi ang ibang tao kesa sa sarili niya.

“Kaya dun natin makikita ang pagiging palaban niya, ang pagiging Filipino.”

Ang tinutukoy ni Megan ay ang orihinal na bersiyon ng Marimar na pinagbidahan ni Thalia at ang unang remake ng Mexican telenovela sa GMA-7 kung saan si Marian Rivera ang gumanap sa title role.

Ngayong Lunes, August 24, na mapapanood ang 2015 version ng Marimar sa GMA Telebabad.

(Read: Marian Rivera formally relinquishes Marimar role to Megan Young)


KONTRABIDA. Ang isa sa kontrabida sa Marimar ay ang mismong kapatid ni Megan na si Lauren Young.

Sa totoong buhay, meron din daw silang mga naging “episodes” na magkapatid na nag-aaway o may pinag-aawayan.

Nagiging pisikal din sila?

“Yeah, a lot, actually,” sabi niya, "Kasi when you’re young and you’re a kid, hindi mo maiiwasan ang rough play.

“Lahat ng bata, nagsasabunutan, nagsusuntukan, you play really rough talaga, but they're just kids being kids.

“But now that we’re older, ‘Lauren, ito ang eksena natin, dito mo ko sabunutan kasi wala akong extension dito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it becomes very technical yung mga scenes namin.

“The good thing is, since magkapatid kami, maganda ang relationship namin as sister, hindi na kami nahihiya na gawin.

“‘O, yung mga sabunot natin medyo intense.

“‘Kung may adlib ka na sasampalin mo ko, hindi ako magagalit, okey lang.’

“Mas maiiyak pa nga ako sa eksena,” natawa niyang sabi, “But I think, it’s really great that we’re close, wala nang hiyaan.”

Ayon naman kay Lauren, hindi naman daw nila pinag-awayan ang boys dahil magkaiba raw sila ng “taste.”

Nakangiting pag-amin ni Megan, “Yes, at mas maraming nanligaw kay Lauren.”


KISSING SCENE. Sa ngayon, wala pa raw silang nakukunang kissing scene ni Tom Rodriguez bilang si Sergio.

“Wala pa po, wala pa po kaming ganun. Bakit, magpapahalik na ba agad si Marimar?

“Kailangan ligawan muna, kailangan may haplos muna sa face, pa-hard to get kuno,” natawang katwiran ni Megan.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN