Carmina Villarroel avoids comparing Julia Montes and Kathryn Bernardo: "Baka mamaya, ma-misinterpret ako."

In Doble Kara, Carmina Villarroel plays the wife of Allen Dizon and the adoptive mother of Julia Montes' character. She says this project fulfills her wish to work with Julia: "Bigla na lang nangyari, bigla na lang sinagot ang aking dasal..."



Aktuwal na kaarawan ni Carmina Villarroel noong August 17, at hindi nakakapagtaka na sa halip na humingi ng bakasyon sa araw na iyon ay nandoon siya sa grand presscon ng bago niyang serye, ang Doble Kara.

Sobra raw kasi siyang excited at masaya na maging bahagi ng Doble Kara kung saan bida si Julia Montes.

Lahad nga ni Carmina, “Wala pa ang project na ito, pinost ko pa yun sa Instagram na wish ko, sana maka-trabaho ko si Julia.

“And then, bigla na lang nangyari after how many months yata, bigla na lang sinagot ang aking dasal ng Dreamscape.

“‘Eto na, makaka-trabaho ko na si Julia, so I’m super excited.

“At katulad nga ng sabi niya, hindi pa kami gumagawa ng show, close na kami sa pagte-text.

“Naging Ate Mina na ko at ang tawag ko sa kanya, little sis.”

Natawa naman si Carmina at hindi sinagot ng direkta ang tanong kung mas magaling daw ba si Julia sa ibang young actresses.

Sabi na lang niya, “Basta magaling si Julia at mabait!”

Bago naman magtapos ang presscon, isa-isang binigyan si Carmina ng red rose ng male cast members and directors ng show.

Meron ding special cake para sa kanya at gifts.

“Ganito pala ang mag-debut,” ang masayang reaksiyon niya.


JULIA VS. KATHRYN. Madalas pagkumparahin ang dalawa sa pinakasikat na female young stars ng Kapamilya network, ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo at ang Royal Princesa ng Drama na si Julia.

Parehong nakatrabaho ni Carmina ang dalawa, pero sabi niya, “I really don’t want to compare, baka mamaya, ma-misinterpret ako.

“Basta, I just want to talk about Julia now kasi siya ang makaka-trabaho ko ngayon.

“Nakaka-isang taping day pa lang naman kasi kaming dalawa, so yung mga scenes namin, medyo light pa.

“Yung first scene namin, medyo ilang factor pa ng konti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-starstruck siya sa akin, na-starstruck din ako sa kanya, so kumportable na agad.

“At yun nga, napakabait, very respectful kaya gustong-gusto ko siyang makatrabaho.

“Talagang may respeto sa mga co-stars niya, bumabati, nakita ko sa kanya yung sarili ko when I was starting.

“Gusto ko siya kaya pinost ko talaga sa Instagram na sana makatrabaho ko siya.”


MOMMY ROLE. Hindi halos nabakante si Carmina sa paggawa ng teleserye. Pagkatapos ng Bridges of Love ay binigyan siya agad ng Doble Kara. Magsisimula nang mapanood ang afternoon soap opera na Doble Kara simula sa Lunes, August 24, sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Flordeliza.

Ang maganda lang daw talaga, magkaiba ang karakter na ginampanan niya sa magkasunod na serye.

“Siguro, galing kasi sa Bridges of Love na hindi naman ako mommy dun, wala naman akong asawa dun.

“Dito, back to being a mom, hindi pa naman ganap na nanay.

“Hindi ko talaga biologically anak si Kara, pero lumaki siya sa akin, inalagaan ko siya, may ibang anggulo naman.”


ALLEN DIZON. Ang kapareha o gumaganap na mister ni Carmina sa Doble Kara ay si Allen Dizon na mas kilala sa mga indie films.

Si Carmina naman ay mainstream ang talagang mundo niya.

Kumusta yung pagsasama nila sa isang serye ni Allen?

“Magaan!” mabilis niyang sagot, “First time ko siyang katrabaho at sa first taping day namin, nag-click agad kami.

“Siyempre, noong umpisa, medyo nahiya-hiya, pero magaling siya at masarap katrabaho dahil relax lang, e.

“At saka, parang feeling ko, nagkakagulo ng lahat, siya nakangiti lang.

“So relax lang, magaan kaeksena.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN