Gabby Eigenmann reveals his dream role: to portray battered husband on screen



Ngayong Biyernes, August 21, na ang finale episode ng GMA primetime series na Pari ‘Koy, kunsaan kabilang sa cast si Gabby Eigenmann.

Natawa si Gabby nang sabihin namin sa kanya na mukhang sa lahat ng teleseryeng ginawa niya, ang Pari ‘Koy ang pinaka-less challenging sa kanya.

“No naman, noong unang binigay sa akin ‘to, ang mindset ko talaga is to be Dingdong’s nemesis.

“Gray yung character and it’s a big cast, siyempre there will be [one’s] own story, highlight.

“At the end of the day, lahat naman nabigyan.

“Yung pag-usbong ng character ko, mula sa mabait, masama, mabait.

“Maraming nagalit kasi nga maraming namatay because of my character, babait din pala, which is always the case.

“Pero happy ako na despite sa malaking cast, nabigyan ako ng pagkakataon.

“And ito naman, maaaring Pari ‘Koy siya, pero episodal siya.”


DINGDONG DANTES. Ito rin naman ang teleserye na muli silang nagkasama ni Dingdong.

Ayon nga kay Gabby, “Yes, and ibang-iba ang imagination ko.

“Ang last namin ni Dingdong was Endless Love, siyempre we we’re both excited to do scenes together.

“Pero may kanya-kanya kami. Pari siya, sa gobyerno ako.”

Nagbabahagi naman ba si Dingdong ng journey nito sa pagiging daddy at humihingi ba ito ng mga tips sa kanya?

“Humihingi naman, very open naman kami when it comes to our personal lives.

“Noong hindi pa alam ang gender nga, kami ang nag-uusap ng madalas sa anong pangalan, panay ang suggestion ko sa kaniya.

“Natutuwa ako na he makes me feel involved, noong na-confirm na nga ang pregnancy, ako ang isa sa tinawagan niya.

“Noong malaman na ang gender, I was one of the first also na sinabihan niya.

“And coming-up with the name, isa ako sa una rin niyang sinabihan kung ano ang maganda.”


BATTERED ROLE. Halos karamihan na rin ng pinapangarap na karakter ng mga artista ay nagampanan na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging sobrang sama na niya, bading at iba pa. May pangarap pa ba siyang magampanan?

“Meron akong konsepto na gusto kong maging battered husband.

“Kasi kapag sinabi ko ang pinaka-gusto kong role, hindi siya pang-TV, pang-pelikula siya.

“Gusto ko na schizorphenic ako. Pumapatay ako, mga masasamang tao, bayolente.

“Battered husband sa TV, puwede. Sinasaktan ka, pero hindi ka lumalaban.

“Through thick and thin, till death do us part, in sickness and in health.

“Yun ang magandang konsepto, yung ako ang inaapi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN