#ALDUBagainstALLODDS: Yaya Dub and Frankie wedding is a hoax; Lola Nidora apologizes to Alden

Tuloy ang "forever" para kina Alden Richards at Yaya Dub matapos mapatunayang walang bisa ang kasal nina Yaya Dub at Frankie dahil peke ang pastor na nagkasal sa kanila.


Napuno ng iyakan, kilig, suspense, at rebelasyon ang episode ng Kalyeserye sa Eat Bulaga! ngayong hapon, August 22.

Isinagawa ang kasal nina Frankie (Jose Manalo) at Yaya Dub (Maine Mendoza), labag man sa kalooban ng huli, dahil na rin sa kagustuhan ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Walang nagawa si Alden Richards kundi umiyak na lamang at sundin ang huling kahilingan sa kanya ni Lola Nidora, na may taning na ang buhay.

Nang tangkain ni Alden na pigilan ang kasal ay hinarang siya ng mga Rogelio, na ipinadala ni Lola Nidora sa paligid ng Broadway Centrum.

Natuloy ang pag-iisang dibdib nina Yaya Dub at Frankie, ngunit dumating ang mga pulis upang hulihin ang pastor na nagkasal sa kanila.

Isiniwalat ng pulis na hindi tunay na pastor ang nagkasal sa kanila, at wanted ito dahil sa estafa at pamemeke.

Dahil peke ang pastor, walang bisa ang kasal nina Yaya Dub at Frankie.

Ipinagtapat din ni Lola Nidora na hindi totoong maysakit siya at may taning na ang buhay niya.

Ginawa lamang daw niya ito para makuha ang P51,000,500 mula kay Frankie para mabawi ang diary na naglalaman ng sikreto kung bakit hindi maaaring mag-ibigan sina Yaya Dub at Alden.

Mensahe pa ni Lola Nidora kay Frankie, hindi nabibili ng salapi ang pag-ibig.

Humingi rin ng tawad si Lola Nidora kay Alden.

At dahil dito, tuloy pa rin ang "forever" para sa AlDub loveteam.

Yun nga lang, hindi pa rin nagkikita hanggang ngayon sina Alden at Yaya Dub.

Kaya muling nabigo ang marami nilang fans na umasang ito na ang "tamang panahon" para magkita sila sa personal.

Samantala, naging top trending topic sa Twitter ang hashtag na #ALDUBagainstALLODDS, na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit one million ang tweets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN