Sarah Geronimo stands by comment she is ready to get married; says The Voice Kids taught her to make own decisions

Sarah Geronimo emphasizes the essential element that The Voice Kids contestants should always bear in mind: “Iyon din ang lagi kong sinasabi sa mga artists dati, young artists natin na… makuha man nila yung title o hindi, ang pinaka-importante sa lahat ay yung growth na makukuha nila dito sa experience na ito.”


Ngayong weekend, August 22 and 23, mas matindi na ang labanan sa pagalingan sa pagkanta ng Top 6 ng The Voice Kids.

Ang semi-finals ay gaganapin sa Resorts World, at mapapanood ito nang live sa ABS-CBN.

Ayon kay Coach Sarah Geronimo, to the highest level na raw ang ginagawa niyang pagmi-mentor kina Kyle Echarri at Zephanie Dimaranan, na kanyang pinili para makasali sa Team Sarah.

“Magmula no’ng blind auditions, yung experience that we had… siyempre, we took it lightly kasi mga bata sila,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Ito ay sa presscon para sa The Voice Kids na ginanap sa Cocoon Hotel, Sct. Tobias, Quezon City, noong Miyerkules, August 19.

“Mahirap yung pagpili, na kailangang balansehin din kung sino ba yung nariringgan at nakikitaan namin ng talagang may potential. Gano’n.

“At yung journey e kung gaano kahirap. And napakagagaling nilang lahat kaya sobrang hirap mamili sa mga bata.”



BONDING WITH HER WARDS. May mga pagkakataon na nagkakasama nang lumabas ang mga coach at ang kanilang mga protege sa The Voice Kids.

Si Sarah, pumunta sa sementeryo kasama si Zephanie para dalawin ang puntod ng lola ng huli.

Kuwento ni Sarah, “Ako, kaya din naging emotional sa akin itong trabaho ko bilang coach, kasi yung attachment sa mga bata. And kung paano mo sila nakikilala, not only for the artists that they are.

“Si Zephanie at si Kyle, nakilala ko yung pamilya nila, yung hirap din nila sa buhay...yung talagang pagtutulungan.

"At kung paano ikinukonekta o iniaalay ng bata yung journey niya dito sa [The] Voice Kids sa kanyang [Zephanie] lola who passed away.

“Si Kyle naman, na first time kong makatrabaho yung ganitong klaseng artist, I’ve always wanted to work with the kind of artist that Kyle is.

“Talagang ano siya, e…Dati kasi yung klase ng artist na katulad ni Kyle, nakukuha ni Coach Bamboo!” sabay tawa ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, talagang gulat na gulat na gulat talaga ako na ako yung pinili ni Kyle. So, sobra akong excited talaga.

“Yung gigil na gigil ako na ilabas yung potential ng ganitong klaseng bata—na very raw pero napaka-distinct ng boses.”



PREPARATIONS. Ngayong semi-finals, paano niya inihanda sina Kyle at Zephanie?

Lahad ng Popstar Princess, “Mental preparation. Iyon din ang lagi kong sinasabi sa mga artists dati, young artists natin.

"Na makuha man nila yung title o hindi, ang pinaka-importante sa lahat ay yung growth na makukuha nila dito sa experience na ito...

“Na madadala nila, hopefully. At talagang dapat pagtrabahuhan ng mga bata at ng pamilya nila...Nandito na po sila, e. Nandodo’n na yung experience on national television.

"Si Kyle, first time nag-join ng isang singing competition, pero on national TV pa at sa The Voice Kids pa.

“Si Zephanie, pang-6th na yata niya ito na singing competition.

“Ituluy-tuloy lang po kung ano yung naumpisahan nila. At do’n sila mananalo, kapag yung determination at willingness talaga na mag-grow as an artist.

“Do’n talaga. Yun ‘yon.”



CHOICE OF SONGS. Pagdating naman sa pagpili ng kakantahin ng kids, paano ang proseso?

Detalyeng kuwento ni Sarah, “Collaboration siya. Magbibigay ng list yung mga bata.

“'Tapos ipi-present namin ng production staff. 'Tapos magkakaroon ng meeting.

“'Tapos magbabato din ako ng mga suggestion. And si Zephanie kasi, pang-ilang competition na niya ito, so meron na talaga siyang list ng mga songs, e.

“With Kyle naman—any song. Dahil napaka-raw niya, hinahayaan namin siyang pumili para sa kanya.

“Na kapag feeling naman niya, e, kaya niya, okay siya. At saka ano… nakakatuwa, e.“Kasi yung request ko sa kanila na ipadala yung piano rehearsal or yung may boses na kakantahin nila yung song, ginagawa nila.

“Or kahit yung lahat ng songs na ibato ko, inaaral nila. Ipinaparinig nila sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO TO ONION-SKINNED COACHES. Sa The Voice Kids unang nasabi ni Sarah na ready na siyang magpakasal.

Sabi ng 27-year-old singer-actress, “Ang nakakatuwa po sa aming mga coaches this season, parang very open. Na… open sa kulitan, alaskahan, sa bawian ng jokes.

“At saka sport talaga lahat. Hindi pupuwedeng ano ka… balat-sibuyas ka, e. Lalo kapag kay Coach Lea at saka kay Coach Bamboo, di ba?

“Hindi talaga, e. Dapat game lang nang game.”

At totoo naman yung sinabi niyang ready na siyang pakasal, hindi ba?

“Opo!” nangiting pagsang-ayon ni Sarah.

(Read: Sarah Geronimo jokes on The Voice Kids: "Ako pa lang ang handang magpakasal!")



LIFE STORIES. Bukod sa talent sa pagkanta, nagbabahagi rin ng kani-kanilang masasaya at malulungkot na kuwento ang mga bata.

Sinasabing isang strategy raw ito ng singing competition para mas makakuha ng simpatiya at suporta sa publiko.

Pag-aanalisa ni Sarah, “I think part po ‘yan ng values nating mga Pinoy, e. It’s always been like that.

“Yung parang importante, kasi choice ng mga text voters ang mananalo. So, importante sa mga manonood na makilala nila nang husto yung bata.

“Na bukod sa talent, talaga bang… yung charm na kailangan ba talaga ng bata? Maraming factors, e.

“Ako po, magmula do’n sa singing competition na sinalihan ko, gano’n din, e. Ganun na ganun din ang formula.

“Importante yun. Hindi lang sa paghatak ng boto.

“And importante sa amin na mga coaches yun, e. Kung paano sila maga-guide.

“Kung paano namin mahuhugot pa yung kinakailangan emosyon doon sa bata. Marami pong maitutulong yung makilala mo nang malalim yung bata.”



SELF-REALIZATIONS. Hindi lang daw ang mga bata ang may natututunan mula sa kanilang mga coaches sa The Voice Kids.

Si Sarah ba ay may mga lessons na natutunan para sa sarili niya?

“Marami. Kasi yung challenge dito ng pagiging coach is i-share mo at i-voice out ang iyong thoughts and opinions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong mga previous seasons, kami kasi malaki ang say namin kung sino ba ang pipiliin namin na mag-i-stay sa competition. O kung sino yung magiging grand finalist namin.

“Pero for this season, one hundred percent nga—public votes. So nung mga nakaraang season, natuto akong magsalita for myself.

“Speak out for myself. Magdesisyon para sa sarili ko.

“Tama o mali, ang importante at the end of the day ay nagdesisyon ako. At responsible ako kung anuman yung naging outcome no'n,” makahulugan na pahayag ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN