PBB Teen Josef Elizalde "never meant" to fall for co-housemate Nikki

by Julie E. Bonifacio
May 12, 2008
"Hindi namin sinasadya yung nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya. Ano po siya, closed environment po siya kaya mahirap po talaga siyang iwasan," explains Josef Elizalde about falling for Pinoy Big Brother Teen Edition Plus co-housemate Nikki.

Marami ang nanghinayang sa maagang eviction ng La Salle high school student na si Marc Josef Elizalde sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus last Saturday, May 10.

Kinabukasan, May 11, sinagot ni Josef sa The Buzz ang mga isyu tungkol sa kanya noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya. Una na rito ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend. Nakalagay raw sa blog ng girlfriend ni Josef na nakipag-break ang dalaga sa kanya dahil masyado raw naging close si Josef sa co-housemate niyang si Nikki.

"Yun nga po, hindi namin sinasadya yung nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya. Ano po siya, closed environment po siya kaya mahirap po talaga siyang iwasan," paliwanag ng 16-year-old na si Josef.

Minahal ba niya talaga si Nikki?

"Minahal po? Siguro, wala pa po doon. Wala pa po," sagot ng binata, sabay amin na nahulog na ang kalooban niya kay Nikki.

Continue reading below ↓

Nag-comment din daw ang ex-girlfriend ni Josef na she's "too good of a woman for him." Anong masasabi rito ni Josef?

"E, kung yun po ang kanyang opinion at nararamdam na po, rerespetuhin ko na lang yung nararamdaman niya," maikling sagot ng PBB evictee.

Kasunod nito ay nagbigay ng mensahe si Josef sa kanyang ex-girlfriend.

"I will always respect you, and tapos, I never meant it to happen naman. Tapos, I wish you all the happiness."

Gusto raw ni Josef na kausapin ang kanyang ex-girlfriend nang harapan. At the same time, handa raw siyang maghintay kay Nikki sa kanyang paglabas sa PBB house.

"Good luck sa stay niya sa bahay ni Kuya, na sana umabot siya [Nikki] sa Big Four. Nagpapasalamat ako sa mga nag-support sa akin. Sana suportahan din nila si Nicole," pahayag ni Josef.

Ngayong nakipag-break na sa kanya ang ex-girlfriend niya, plano rin ba niyang ligawan si Nikki paglabas ng PBB house?

Continue reading below ↓

"Opo," nakangiting sabi ni Josef.

Ano ang naramdaman niya nang mapalayas siya sa Bahay ni Kuya?

"Ayos lang naman po. Tanggap ko naman po nang buong puso."

Hindi ba niya inasam na maging Big Winner?

"Hindi ko naman po habol maging Big Winner. Parang bigay na lang po kung sakaling maging Big Winner ako. Hindi ko po siya ine-expect."

Ano ang plano niya ngayong nasa labas na siya ng Bahay ni Kuya? Gusto ba niyang mag-artista?

"Kung may kukuha sa akin, why not?" sambit niya.

Incoming fourth year na si Josef sa La Salle Greenhills at kahit gusto niyang mag-artista, itutuloy pa rin daw niya ang kanyang pag-aaral.

Read Next
Read More Stories About
Josef Elizalde, `
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi namin sinasadya yung nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya. Ano po siya, closed environment po siya kaya mahirap po talaga siyang iwasan," explains Josef Elizalde about falling for Pinoy Big Brother Teen Edition Plus co-housemate Nikki.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results