Megan Young hopes fans of past Marimar series will watch updated version

Megan Young on 'realistic scenes' with Marimarco-star Jaclyn Jose, who plays one of her kontrabidas: "Sa isang scene, binatukan ako ni Tita Jane [Jaclyn]. Wala po iyon sa script kaya na-surprise ako! Lagi na lang ako nasu-surprise sa mga eksena namin!"


Natutuwa raw si Megan Young na bago pa man ang pag-ere ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network, ang Marimar, may mga taong "Marimar" na ang tawag sa kanya.

“Tapos kapag naglalakad ako sa mga mall, yung ibang tao naman tumitili ng 'Awww!” pagtukoy niya sa pamosong tili sa theme song ng Marimar.

Dagdag pa ni Megan, “Actually, nawawala na yung Miss World!

“Kung hindi Marimar ang tawag sa akin ng mga tao, sumisigaw sila ng 'Awww!'”

Excited daw si Megan sa pagsisimula ng airing ng Marimar ngayong Lunes ng gabi, August 24.

Unang ipinalabas sa Mexico noong 1994 ang Marimar, na orihinal na ginampanan ni Thalia.

Ginawan ito ng Pinoy remake noong 2007 kung saan si Marian Rivera ang gumanap na bida.

Pagkalipas ng walong taon, ngayong 2015, ay ibinabalik ng GMA ang Marimar at si Megan nga ang napiling magsabuhay nito muli.

Sabi ng actress-beauty queen, “Actually, nakakatuwa yung ginawa nina Direk Dom [Dominic Zapata] dito sa remake.

“It goes with the time, I will say. Because it’s 2015 now.

“From 1994 to 2007… times are changing.

“And everything in the script, mas makaka-relate ang tao, especially the younger ones.

"Baka hindi sila maka-relate sa dati, at least ngayon mas ginawang updated.

“At sana sa mga naging fans ng mga past Marimar, sana makita talaga nila na iba talaga yung kuwento namin, e.

"So, iyon ang gusto naming ipamahagi...

“Na kahit iba-iba ang kuwento, pare-pareho lang ang pag-iibigan nina Marimar at Sergio.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News si Megan pagkatapos ng guest appearance niya sa Sunday Pinasaya kahapon, August 23.


UNSCRIPTED SCENES. Si Jaclyn Jose ang gaganap bilang isa sa mga kontrabida ni Megan sa Marimar. May mga eksena raw silang nakunan na kung saan tinaray-tarayan siya ng veteran actress.

Natatawang kuwento ni Megan, “Sa isang scene, binatukan ako ni Tita Jane [Jaclyn]. Wala po iyon sa script kaya na-surprise ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi na lang ako nasu-surprise sa mga eksena namin!

“Pero nakakatuwa, kasi yung mga bagay na ganun…

“Like si Lauren [Young, her younger sister na kontrabida rin ang papel sa Marimar], mahilig din siyang mag-adlib ng mga kung anu-anong sinasabi niya.

“So, yung mga unexpected things really make it work. Kaya excited ako para sa mga eksena na yun.”


WORKING WITH TOM. Inaabangan din ang mga napapabalitang sizzling scenes nila ng kanyang leading man na si Tom Rodriguez

“Marami kaming ganun, na nakakakilig at parang medyo hot!” tawa ni Megan.

“So, nakakatuwa. Kasi si Tom, lagi siyang nakaalalay sa akin.

“Like sa damit o kung anuman, he’s very maalaga.

“Very gentleman si Tom.

"And nakakatuwa kasi at least, for me, at ease na ako na gawin yung mga scenes na yun.

“Nung una lang parang nakakailang. Pero as the days went on, parang I felt more comfortable working with Tom.”

Samantala, may nai-post si Megan recently sa kanyang Instagram account na may ipinadala sa kanya ang rumored girlfriend ni Tom na si Carla Abellana.

“A… meron siyang ibinigay na chocolates sa akin! Ang sweet, di ba?

“Ipinaabot niya yung chocolates kay Tom. Tapos si Tom, ibinigay sa akin, 'Bigay ito ni Carla.'

“So, nakakatuwa. Kasi I’m really happy that my co-Kapuso stars, gaya nga ni Carla, nakasuporta rin.

“So, nakakatuwa. Sobrang nakakalambot ng puso.

“Kasi hindi ko ini-expect yung ganito. Overwhelming, sobrang overwhelming,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN