Luis Manzano and Robi Domingo asked: Who between them will get married first?

In a previous episode of The Voice Kids, Luis Manzano (left) said about marrying Angel Locsin: "Malapit-lapit na."




Bilang hosts ng The Voice Kids, nakakaaliw at nakakatawa ang mga banter nina Luis Manzano at Robi Domingo.

May instance pa nga na kumanta sila.

“Iyon, off cam ‘yon,” ani Luis. “Hindi namin alam na kinukunan iyon.”

Kuwento naman ni Robi, “That was the time na nagpi-prepare kami for the closing spiel.

“Hindi namin alam na may gano’ng ii-air.”

Natatawang pahabol pa ni Luis, “Nagulat na lang ako na no’ng binabasa ko ang voice over na ginagawa ko.

“May sinasabi na, ‘At kaming mga hosts, nakipagkulitan din.’

“Sabi ko, ‘Ano’ng footage no’n?’ Sabi, ‘Ay iyon ‘yong kumakanta kayo.’

“‘Talagang nakunan n’yo ‘yon?’

Marami talaga ang tumututok sa The Voice Kids. Kamakailan nga ay nakapagtala ito ng all-time high national TV rating nitong 46.3% ayon sa data mula sa Kantar Media.

“Gusto naming magpasalamat din sa bumubuo ng The Voice Kids,” ani Robi.

“Sila talaga ‘yong nag-iisip kung ano ang treatment, ang concept, sila ang nag-i-edit.”

Napakalaking factor ‘yong kakulitan at pagiging spontaneous nila sa finals, may mga bagong pasabog ba silang gagawin?

“We have to adjust to what’s happening,” sabi ni Luis.

“Alam namin ang pinagdaanan ng mga bata so a punchline here and there, okay lang isa o dalawa.

“Ayaw din naming mawala ‘yong focus kasi nga pinaghirapan ng mga bata.

“The coaches and the kids have worked very hard to get at that moment.

“Ayaw naming matakpan ng joke o ng kulitan.

“Kumbaga for that moment… we want the full spotlight to be on them.”

Dagdag na pahayag naman ni Robi, “At saka may binabagayan din po ‘yan, we’re gonna be live sa Resorts World Manila.

“I think it’s kinda off kung magba-banter kami ng sobrang nakakatawa.

“At ‘yong pressure...so depende na lang po iyon.”

Malalaking prizes ang naghihintay sa The Voice Kids Grand Champion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A house and lot from Camella Homes worth two million pesos, may pakotse pa,” ani Luis.

Nasabi naman ni Robi, “One million pesos cash and one million peso in trust fund.

"And may musical equipment and a record deal with MCA.”



Robi Domingo


MOST LIKELY GROOM? Sa kanilang dalawa, sino ang ready nang pakasal?

Si Luis ang sumagot, “I’ve been very honest naman, ako naman nag-aantay lang ng proposal!

“Kinausap ko naman si Angel [Locsin, his girlfriend].

"Sabi ko, ‘Intindihin mo naman na ito ang ibibigay ko sa ‘yo,’” pabiro pa ring haplos niya sa kanyang mukha sabay tawa.

“‘Di ba, ano ba naman ‘yong konting effort lang sa side niya [Angel], konti lang,” haplos ulit niya sa kanyang mukha.

“Is it too much to ask, considering na… eto ha!

“Minsan magkasama kami, nag-mall kami… lumuhod siya.

“Naiyak ako, akala ko iyon na ‘yon!

“Hindi pa pala, nagtali lang siya ng sapatos.”

Matatandaan na sa July 18 episode of The Voice Kids, sinabi ni Luis na "malapit-lapit na" ang pagpapakasal nila ng kanyang girlfriend.

(Read: Luis Manzano on marrying Angel Locsin: Malapit-lapit na.")


FUN WITH THE KIDS. Naganap na ang semifinals ng The Voice Kids last weekend, August 22 and 23, sa Resorts World.

Sina Reynan Delanay at Esang De Torres ng Team Lea Salonga at sina Elha Nympha at Sassa Dagdag ng Team Bamboo ang nahirang na Top Four via text votes.

Lahad ni Luis, “Looking back on their stories, in fact ‘yong iba napuntahan ko pa sa kanila… it all started with a dream.

“But now, looking at them how they are as individuals and as singers, sobra silang nag-mature na talaga.

“Seeing how they are right now, of course, they already have stardom, nag-iba na sila.

“Kumbaga they are so close to their dream.

"They’re different individuals from the first day they stepped onstage for the blind auditions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It makes us proud to be part of that journey.”

Dagdag na nasabi naman ni Robi, “Ang napansin ko, ‘yong confidence nila when it comes to performing talagang nag-iba.

“Pero at the end of the day, bata pa rin sila, e.

“And we know how to have fun, ang sarap lang makipagkulitan sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN