#AlDub Fever: Meet Lola Tidora, Lola Nidora's twin sister!

Nagbalik mula sa Europa si Lola Tidora dahil inaaway siya umano ng mga Germans dahil kumalat ang mga litrato ni Lola Nidora kasama si Adolf Hitler sa internet. (L-R) Paolo Ballesteros, Maine Mendoza (aka Yaya Dub) at Wally Bayola, nag-pose para sa wacky shot.



Isang bagong karakter ang ipinakilala sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga! kaninang hapon, August 25. Ito’y walang iba kundi ang kakambal ni Lola Nidora na si Lola Tidora.

Ang EB Dabarkads na si Paulo Ballesteros ang gumanap bilang si Lola Tidora samantalang si Wally Bayola ang kilala bilang Lola Nidora.

Nagsimula ang Kalyeserye sa pagpigil ni Lola Nidora kay Yaya Dub na magbakasyon sa lola nito sa Cebu.

Si Yaya Dub ay ginagampanan ni Maine Mendoza, ang tinaguriang Dubsmash Queen dahil sa popularity ng kanyang videos gamit ang Dubsmash mobile app.

Ang kanyang kapareha ay si Alden Richards kung kaya't ang tandem nila ay kilala bilang AlDub.

Sa segment na umere kanina, pinakita na dala ang mga candy na pasalubong ni Alden para kay Yaya Dub.

Matapos ang ilang sandali, pumasok na sa eksena si Lola Tidora bitbit ang kanyang tatlong bodyguards na tinatawag na Bernardos.

Bumisita mula sa Massachusetts si Lola Tidora upang makita ang kanyang kapatid ngunit tila hindi natuwa si Lola Nidora sa pagbisita nito.

Nagbalik daw si Lola Tidora mula sa Europa dahil inaaway siya ng mga Germans dahil kumalat sa internet ang mga litrato ni Lola Nidora kasama si Adolf Hitler.

Ayon kay Lola Nidora, kasama ang mga litratong ito sa kanyang nawawalang diary.

Tinanong din ni Jose Manalo si Lola Nidora kung bakit tila nahuli ang height nito kay Lola Tidora. Birong paliwanag naman ni Lola Tidora, nauna siyang lumabas sa sinapupunan ng kanilang ina at inabot daw ng dalawang taon bago makalabas si Lola Nidora.

Naglabas din ng hinanakit si Lola Nidora dahil sa si Lola Tidora daw ang paborito ng kanilang mga magulang.

Muling pumasok sa eksena si Alden at ipinakilala ang kanyang pamangkin kay Yaya Dub.

Nakilala rin ni Lola Tidora si Alden at nagustuhan naman niya ito.

Dumating ang riding-in-tandem na may dalang pasalubong na candy para kay Lola Nidora. Ngunit hindi nagustuhan ni Lola Nidora ang mga pinadala ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip, hinamon ni Lola Nidora si Alden na pumunta ng Bicol sakay ng kalabaw at pasalubungan siya ng paborito nitong pili nuts at pili candies.

Agad-agad namang nag-impake si Alden upang pumunta ng Bicol.

Sa pagtatapos ng episode, sinabi ni Lola Tidora na may lihim na ibubunyag si Lola Nidora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN