Julie Anne San Jose downplays high ratings of Sunday PinaSaya

Expect new album from Julie Anne San Jose, more music videos and, “Upcoming concert, hopefully, at the end of this year and more tracks, singles."


Nasa ikatlong linggo na ng pag-ere ang bagong comedy-variety program ng GMA Network na Sunday PinaSaya.

Natutuwa raw ang isa stars ng show na si Julie Anne San Jose na mataas ang ratings na nakukuha ng kanilang programa.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "We’re happy na maganda yung feedback ng mga tao.

"This show is something new. Mas iba siya sa mga naunang ginawa namin before, it’s not the usual musical-variety show.

“Of course, meron din kaming kantahan, sayawan, production numbers.... ang ipinagkaiba lang, mas maraming skits.

“And nakikita naman namin, yung mga audience at yung viewers talagang… nagti-trend nang husto.

“Kaya nagpapasalamat kami sa patuloy nilang pagtutok sa Sunday PinaSaya.”

Dahil mataas ang rating ng kanilang show, may dulot na pressure ba ito sa kanilang mga host?

Sagot ni Julie Anne, “Meron siyempre, nag-start lang kami a couple of weeks pa lang, di ba?

“And siyempre, gusto namin ma-sustain yung magagandang feedback ng mga tao.

“Hindi naman ano sa amin yung high ratings.

“Ang importante, makapagpasaya kami at makapagbigay-ligaya sa mga tao every Sunday noon.”

Sa mga comedy skits, hindi naman daw nahihirapan si Julie Anne makipagsabayan sa pagpapakuwela ng mga kasama niya sa Sunday PinaSaya.

Ang iba pang cast ng programa ay ang comedians na sina Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, at Jerald Napoles.

Kasama rin sina Marian Rivera, Alden Richards, Barbie Forteza, at Valeen Montenegro.

Ayon kay Julie Anne, “Kasi hindi lang naman ito yung comedy na nagagawa ko, meron din akong Pepito Manaloto.

“And masayahin din akong tao, so parang normal na lang sa akin.

“At saka niri-rehearse talaga namin siya every Saturday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN