#AlDub Fever: Tidora reveals Yaya Dub's true identity; Alden completes second mission

Mukhang nakutuban na ni Jose Manalo na siya ang gaganap na isa pang kakambal nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Tidora (Paolo Ballesteros) at tunay na ina ni Yaya Dub (Maine Mendoza).


Isang malaking sikreto ang ibinunyag ni Tidora (Paolo Ballesteros) sa episode ng KalyeSerye ng Eat Bulaga! ngayong Miyerkules, August 26.

Si Tidora, na unang lumabas sa episode kahapon, August 25, ang kakambal ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Sa kabila ng pakiusap ni Lola Nidora, isiniwalat pa rin ni Tidora ang malaking sikreto tungkol sa pagkatao ni Yaya Dub (Maine Mendoza):

Si Yaya Dub ay anak ng isa pang kakambal nina Nidora at Tidora.

Ibig sabihin, si Yaya Dub ay pamangkin nina Nidora at Tidora; taliwas sa pagpapakilala noon ni Lola Nidora na anak ito ng dati niyang katulong at inaruga mula noong bata pa ito.

Halatang ikinagulat at ninerbiyos si Jose Manalo sa rebelasyong ito ni Tidora, dahil nakutuban niyang siya ang gaganap sa papel bilang ina ni Yaya Dub at kakambal nina Nidora at Tidora.

Agad namang kumalat sa social media ang memes ng "old photos" nina Nidora, Tidora, at isa pa nilang kambal.

Samantala, wala sa episode kanina si Yaya Dub dahil pinaiwan daw muna siya ni Lola Nidora sa mansion.Nagtagumpay naman si Alden sa ikalawang pagsubok sa kanya ni Lola Nidora dahil nasa Bicol na ito ngayon para bumili ng napakaraming pili candies.

Ipinakita sa video ang pagdating ni Alden sa Bicol upang gawin ang inatang na pagsubok sa kanya ni Lola Nidora upang patunayang malinis ang kanyang puso na makita si Yaya Dub.

Sa tunay na buhay ay maghu-host si Alden Richards ng isang beauty pageant sa Albay ngayong gabi, kaya nandoon ang "Ultimate Bae."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN