Healthcetera host Manny Calayan hopes wife’s homecoming will dispel nasty rumors about her health

Dr. Manny Calayan on GMA News TV's health and wellness show, Healthcetera: “Kasi health is wealth, hindi lang porke papa-beauty ka is healthy ka. Baka maganda ka nga, meron ka namang hika, or maganda ka, may sakit ka sa puso o high blood ka. So ita-tackle nating lahat dito… diet, workout." The beauty doctor Manny hopes his wife’s homecoming will dispel nasty rumors about her state of health.



Masaya si Dr. Manny Calayan sa pag-uwi ng misis niya dahil matitigil na ang tsismis na nagtatago si Dra. Pie Calayan sa Amerika dahil may malubhang sakit.

“Masayang-masaya!

“Ito nga nung pagbalik na pagbalik ni doktora ginuest na kami ni Boy Abunda sa Bottomline.

“In-explain na namin lahat-lahat doon tungkol sa mga hindi katotohanang mga iyan,” at tumawa si Dr. Manny.


(Read: Dra. Pie Calayan makes showbiz comeback with health-related TV show; quashes rumors about five-year hiatus)


TOUGH DECISION. Dahil nandito na si Dra. Pie ay isinara na nila ang kanilang Calayan clinic sa Beverly Hills sa Amerika.

Mabigat na desisyon raw ito para sa mag-asawang beauty doctors.

“Oo, but we have to let it go kasi mahirap magpatakbo ng wala kami or si doktora doon, kailangan hands-on.”

Pero magbubukas naman sila ng panibagong branches ng Calayan Surgicentre very soon sa Baguio City at sa Alabang.

Nalalapit na ang eleksyon, pero ayaw ni Dr. Manny na tumakbo kahit may mga humihikayat sa kanya.

“Tinawagan nga ulit ako ng AMS, yung sinalihan ko [na party list] noong 2010, yung Alyansa ng Media at Showbiz.

“Kung interesado raw ako, sabi ko, ‘Naku sorry, hindi na talaga.’

“Ayoko na talaga.”

Susuporta na lang raw siya sa mga tatakbo, pero hindi pa raw niya masabi kung sinu-sino.

“Too early to say at saka lahat kasi sila kaibigan ko,” at tumawa si Dr. Calayan.

“So hindi ko pa alam talaga kung sino ang bet ko for presidential and vice, wala pa.”


VARIETY HEALTH SHOW. Dati ay nasa isang portion lamang sa Unang Hirit sina Dr. Manny at Dra. Pie.

Ngayon, sila ang hosts ng Healthcetera, ang bagong show sa GMA News TV tungkol sa beauty, health and wellness.

Bakit ngayon lang?

“E, bumalik na ang aking better half so nagkaroon na naman tayo ng inspiration na mag-put up ng health show na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nung nasa States pa si doktora nag-usap talaga kami, ‘Sana magkaroon tayo ng show about health.’

“Yun bang napaka-healthy ng food mo, yung siya lang ang kumakain nun, hindi kumakain yung iba ng ganung food.

“‘Tapos umuwi siya, tamang-tama naman si Mariel Vergara lumapit sa amin.

“Gusto niyang mag-put up ng show under Purple Cow Production [& Events Company] niya, siya ang producer.

“Pinakilala sa amin nung taga-Calayan Secrets and soap, key account holder namin siya.

“‘Tapos ni-refer si Mariel… kinuha naming siya as PR ng Calayan Secrets products.

“‘Tapos sinabi niya na matagal na niyang dream na mag-put-up ng show na ganito ang tema.

“Na kumpleto lahat, kumpletos recados. Sabi namin, ‘Anong title?’

“Sila rin ang nag-isip kasi yung anak niya is IT [Information Technology], so marami ring ideas.

“So sabi nila, Healthcetera, a variety show na all about health.

“Kasi health is wealth, hindi lang porke papa-beauty ka is healthy ka.

“Baka maganda ka nga, meron ka namang hika, or maganda ka, may sakit ka sa puso o high blood ka.

“So ita-tackle nating lahat dito… diet, workout.

“Bakit nagkakasakit? Poor diet. Masyadong nakakamatay yung diet mo.

“And siyempre yung workout, number one din yan.

“Number two yung alternatives, na hindi lahat gamot, gamot, gamot, gamot.

“Kasi lahat din yan ay may side effects… sa kidney, sa liver.

“Whereas yung mga alternative medicine, yung mga herbal, nakakatulong din yan.”

Ang Healthcetera ay umeere tuwing Linggo, 9 am to 9:30 am.

Ilan sa mga segments ng show ay ang Beauty Talk, Fit For You & Me, Healthy Plate at Health Matters & You.

Hosts rin ng Healthcetera sina Marou Pahati-Sarne na host rin ng Radio Klinika sa DWIZ, Dr. Sonny Viloria na medical director ng Biovitale Holistic Center, at si Nina Taduran ng Wanted Sa Radyo ng Radyo Singko.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN