Ina Raymundo on leading man Albert Martinez: “That was his first project after he lost [his wife] Liezl.”

Ina Raymundo recalled the hospital scene that she shot with Albert Martinez for All Of Me. “That was his first project after he lost [his wife] Liezl, blocking pa lang, umiiyak na ko, pahid ako ng pahid... it’s so powerful.”



Nakita ang pagiging sexy ni Ina Raymundo, lalo't naka-two piece bikini lang siya sa isang eksena nila ni Albert Martinez para sa upcoming ABS-CBN teleserye na All Of Me.

Nagkaroon ng love scene sa isla ang mga karakter nina Ina at Albert sa naturang teleseryena pagbibidahan rin nina JM de Guzman at Yen Santos.

Natatawang sabi ni Ina, “Oh my gosh, naka-ganyan ako [nakatakip ng mata].

“Alam mo yung scene na medyo romantic na medyo sensual, parang it brought me back to the ’90s.

“Yung feeling na, oh my gosh, I’m doing it again but with Albert Martinez.”

Natatawang sabi pa niya, “Ang nakakahanga si Albert, may asim pa.

“Sobrang guwapo niya, kamukha niya si Richard Gere.”

May mga kissing at love scenes sina Ina at Albert sa serye.

Hindi naman daw napapanood ng asawa ni Ina ang teleserye niya, wala naman daw magiging isyu o problema rito kung sakali man.

Sabi nga niya, “No, hindi niya mapapanood pero, if ever, no problem sa kanya, I’m sure.”


FEELING IT. Alam naman ng lahat na si Albert ay nasa panahon pa ng healing process sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Liezl Martinez.

Sa All of Me, maikli pero napakahalaga ng papel ni Ina bilang unang asawa ni Albert na namatay sa cancer.

Pakiramdam nga raw niya, parang siya si Liezl sa teleserye nila.

“It was such an honor to work with him, lalo na yung eksena namin sa hospital.

“Alam mo ba, blocking pa lang, umiiyak na ko. Napi-feel ko ang energy.

“That was his first project after he lost Liezl, so blocking pa lang…

“Yung eksena, tulog ako ‘tapos nalaman niyang may cancer ako for the first time.

“Hindi pa man, tumutulo na ang luha ko, pahid ako ng pahid, grabe.

“Kasing-hirap pala ng eksena mo yung gusto mong umiyak at pinipigil mo ang luha mo dahil hindi ka pa puwedeng umiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkasing-hirap siya, ganun yung nangyari sa akin, pinipigilan ko kung paano umiyak.

“But, you know, I love that scene, it’s so powerful.”

Ang teleserye ang papalit sa iiwanang timeslot ng FlordeLiza at magsisimulang ipalabas sa Lunes, August 31.

Tapos na raw ang lahat ng taping niya lalo pa nga’t nasa GMA-7 naman si Ina ngayon bilang cast member ng Marimar.

Ayon sa kanya, wala naman daw kinalaman ang pagkakasama niya sa Marimar kaya maikli lang ang karakter niya sa All Of Me.

“Ginawa ko ‘tong All Of Me, April pa lang, first week of April.

“‘Tapos tinanggap ko ang Marimar, mga July.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN