JM de Guzman on how girlfriend Jessy Mendiola helps him with his comeback: “Ininspire niya ko."

JM de Guzman on how girlfriend Jessy Mendiola helps him: “Ininspire niya ko. Kahit po before, noong nag-i-start pa lang ulit ako, bago mag-That Thing Called Tadhana, siya yung nagpu-push sa akin na kaya mo pa ‘yan, kaya mo pa ‘yan.” The ABS-CBN actor admits that he feels pressured over his comeback teleserye, All Of Me.



Aminado si JM de Guzman na takot na siyang magkamali ngayon na binigyan siya ng second chance sa showbiz.

Bida si JM sa All Of Me na nagtatampok din kina Yen Santos, Albert Martinez, at Aaron Villaflor.

Unang beses pa lang napanood ni JM ang comeback teleserye niya sa ABS-CBN, na mapapanood simula Lunes, August 31.

“Sobra kong hands down. Sobrang galing ni Yen [Santos], sobrang galing nilang lahat. Ngayon ko lang napanood na hindi edited, na walang kulang na scene,” sabi ni JM nang makausap namin pagkatapos ng special screening ng All of Me sa Amici Restaurant noong August 24 ng gabi.

Dagdag niya, “Sobrang suwerte ako na naging part ako ng show.”


FEELING LIKE A NEWBIE. Dahil comeback teleserye ni JM ang All Of Me, pakiramdam niya, first project niya itong muli.

“Sobra... honestly, nawawala ako minsan sa dapat kong i-focus.

"Kasi minsan, kinakain ako ng pressure, takot na magkamali. Gusto kong ibigay ang best ko.

“Pero, sobrang supportive ng team. Iniintindi nila ko at tinutulungan nila ko.”

Habang pinapanood niya ang pilot week sa special screening, kinilig daw si JM ng makita ang eksena nina Albert at Yen.

“Kinilig ako sa kanila. Alam mo yung sa videoke, kapag may kumanta ng sobrang galing tapos ikaw yung next, parang hindi na lang ako kakanta, parang ganun,” natatawang sabi ni JM.

Sa kuwento kasi, tila magta-transform si Albert sa katauhan ni JM para maipagpatuloy nito ang pagmamahalan nila ni Yen.

Nararamdaman daw ni JM ang pressure dahil na-build up na ang chemistry nila Albert at Yen.


SOURCES OF STRENGTH. Saan siya humuhugot ng lakas o suporta para mapaglabanan ang pressure?

“Siyempre, unang-una, kay Lord dahil binigay niya sa akin ‘to. Wala na ‘to dapat, pero binigay niya sa akin.

“Sa family ko, na umaasa sa akin and sa lolo ko na ang dying wish ay makita ako muli sa TV. At para rin sa sarili ko, para ma-prove ko sa sarili ko at sa magiging anak ko na hindi ako bumagsak, bumangon din ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre, ang girlfriend ni JM na si Jessy Mendiola ang isa sa pinag-aalayan ng actor ng pagbabalik-teleserye niya.

“Oo naman. Yung love ko sa kanya, isa sa mga dahilan, yung mga memories ko sa kanya.

“Ininspire niya ko. Kahit po before, noong nag-i-start pa lang ulit ako, bago mag-That Thing Called Tadhana, siya yung nagpu-push sa akin na 'kaya mo pa ‘yan, kaya mo pa ‘yan.'”



HANDLING PRESSURE. Malaking bagay kay JM na may trabaho siya ngayon at pinagkakatiwalaan ng Kapamilya network sa All Of Me na ipapalit sa afternoon series na Flordeliza.

Sobrang malaking bagay kay JM ang teleserye, at aminado siyang may kakambal na pressure ito.

“Yun nga po, nasa sa akin yun, nasa pag-handle ko [ng pressure]. Kailangan panghawakan ko ang sarili ko. Kailangan ko siyang i-handle.

“Baka iba ang outlet na lumabas.”

Maraming kissing scenes, at may love scene sila Albert at Yen sa pilot week ng All Of Me.

Pero mukhang sa ikalawang lingo ng serye, si JM at Yen yata ang magkakaroon nito.

Sabi ni JM, “Siguro yun po ang challenge. Kasi, yung week one, kahit yung lalaki, kikiligin.

“Sobra silang nakakakilig. Yung love na yun mata-transform, ibe-verbalize. E, bawal, limitado na.

“Ang daming limitations— physical, oras, mythical na mga ano — dun natin makikita ang love.”

Kumusta si JM sa karakter niya?

“Mahirap po, sobrang hirap na hirap po ako.”

Marami na rin daw silang naite-tape na eksena ni Yen. Magaling daw ito pero, mas lalo raw siyang napahanga nang mapanood ni JM ang pilot week.

“Lalo na po ngayon na napanood ko ng buo. Natural, parang hindi siya umaaarte. Kapit na kapit niya ang karakter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN