News anchor Cathy Yap-Yang returns to ABS-CBN after 15 years; says social media plays big role in future of journalism

Cathy Yap-Yang says social media has rebooted her 23-year career as a business journalist: “Even if you are off-duty, makaka-relate ang tao sa iyo, mabi-build ang trust, may credibility ka kaagad kahit hindi business ang pinag-uusapan niyo. That’s why I feel a reboot in my career after 23 years now that social media has come to the landscape of journalism.”



Balik-Pinas na ang award-winning business journalist na si Cathy Yap-Yang.

Siya ang magiging news anchor ng Market Edge with Cathy Yang at Business Nightly na mapapanood sa ANC (ABS-CBN News Channel) simula September 1, 2015.

Inabot din ng 15 taon bago nakabalik si Cathy sa Kapamilya Network. Noong 1992, nagsimula siyang bilang researcher at business reporter sa Sarimanok News Network (SNN), ang dating pangalan ng ANC.

Noong taong 2000, nagsimulang mag-report si Cathy sa Bloomberg TV-Asia Pacific nang matapos niya ang kanyang Master of Journalism sa University of Oxford. Ipinadala siya ng Reuters Foundation bilang scholar sa prestigious school sa England.

Taong 2010 naman nang kunin siya ng Reuters TV bilang kanilang news anchor hanggang sa kunin siya ng Chinese Central TV News (CCTV) noong 2013.


HOMECOMING. Nang tanungin kung ano ang dahilan kung balik siya pumalik ng bansa, sagot ni Cathy: “I felt the timing was right with all the commitments done with in Hong Kong.”

Simula ng mangibang bansa, patuloy pa rin ang komunikasyon ni Cathy sa ilang kasamahan sa Kapamilya Network.

Isa rito ang kanyang mentor na si Ging Reyes na ngayon ay head ng Integrated News and Current Affairs department ng ABS-CBN.

Sabi pa niya, “I’ve been in constant communication [with them] so during that time, very casual—we have brunches, yung mga nagki-keep-in-touch texts but no real, ano ‘to, offer.

“But there’s this intention na ayaw mong bumalik pa.”

Isa sa mga dahilan nakapagpatagal sa pagbabalik ni Cathy sa bansa ay nang kunin niya ang posisyon bilang president ng De La Salle – One La Salle Hong Kong chapter.

Saad niya, “For two terms, nakatulong kami sa distressed migrant workers at underprivileged high school students.

“And yung sa Haiyan, naka-rebuild… provide relief kami sa Tacloban through money raised from the overseas community in Hong Kong.

“That made me stay until June kasi June yung term ko, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “The start of the year, I already knew I’ll be very busy in the first half [of the year].

“But after that, I had no more visibility.

“Ano pa gusto ng Diyos? I just let it be but I knew I would say no—nare-elect ako actually sa top 5.

“That means it’s either accept it or let go of it.

“I was sure to let go so bahala na Diyos, what’s next?

“So may iba nang president ngayon, they’re having a fundraiser.

“They’re continuing the advocacies that I’ve spearheaded.”

Nagpatuloy ang pagiging news correspondent ni Cathy para sa CCTV nang mga panahong ito ngunit naghahanap na siya ng mga hudyat upang bumalik sa Pilipinas.

“I was seeking signs along the way but the visibility nga was just up to June 25 and soon after that, 'Ah okay, baka ito na.'”


BUSINESS JOURNALISM. Sa kanyang pagbabalik, nais ni Cathy na mas maintindihan ng mga Pilipinong manonood ang kasalukuyang sitwasyong ng ekonomiya ng bansa at ang epekto nito sa kanila.

Paliwanag niya, “Kasi right now, hindi nila nafi-feel tapos naggo-grow na pala yung ekonomiya natin.

“Gusto ko sanang mabigyan ng ano ‘to, ng meaning to the masa.

“O kung hindi man nakakarating sa kanila ‘to, ipaalam natin sa gobyerno.

“Baka may disconnect or baka nandun talaga ang disconnect because in a free market, the rich and the poor will always be that.

“But just to inform people and be knowledgeable that there is growth and it’s not trickling down, istorya na.”

Dagdag pa niya, “Just to tell the story for what it is and then tell the people the sidelights through social media.

“Ito yung view na nakikita nung correspondent.

“Kaya importante, e, yung istorya na lumabas sa TV, iba pa yun sa istoryang nilabas mismo ng reporter sa kanyang pananaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ang ganda like kunyari sa .com, nandoon yung main story tapos dito sa little tiny box, nandoon lahat yung mga sidelights niya na hindi niya masama sa istorya.”

Isa sa ibinigay niyang halimbawa ay ang pagbabalita ng annual gross domestic product (GDP) report ng Malacanang na tumutukoy kung umunlad nga ba ang ekonomiya ng bansa. Inaasahang maipaparating ang balitang ito ngayong araw.

Sabi pa ni Cathy, “There are actually different ways to deliver the news.

“After the numbers are delivered, what does it mean to the people.

“We have to deliver that kind of content because the viewers will want to relate to what we provide.

“Because they can catch the numbers on Bloomberg and other channels or other sources but they can’t catch the heart which we want to provide.”


SOCIAL MEDIA. Malaki na raw ang ipinagbago ng journalism ngayon ayon kay Cathy.

“I’m from that generation where we used to fax our stories from Central Bank,” kuwento ni Cathy na three-time winner ng Best News Anchor in Asia mula sa prestigious Asian TV Awards (2001, 2002, and 2003).

Kuwento pa niya, “Dati may coverage ako sa Pampanga…dial-up pa yun, laptop na mabigat tapos mahina ang connection, but I had to send it kasi pagdating sa office, voice-over kaagad for TV Patrol.

Ikinuwento ng ANC news anchor na bago lang ang kanyang Instagram (IG) account ngunit malaking bagay raw ito para sa mga reporters at journalist gaya niya. Isa sa binigay niyang halimbawa ay ang litrato ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng IG.

“As soon as I landed, when I posted that picture of me in the airplane, I didn’t expect to put it on IG kasi gusto ko lang private audience, yung pamilya, yung mga kaibigan but it generated a lot of likes.

“It was a story worth sharing not just me as a journalist but also as a parent commuter so I shared it on IG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the same way, every business story that I and the team will cover, we'll make a big difference when it hits social media because we will deliver it in a way that’s more palatable to you, on the go.”

Malaking bagay din ang social media para Cathy hindi lang sa kanyang career ngunit maging sa kanyang buhay pamilya.

Paliwanag pa niya, “Even if you are off-duty, makaka-relate ang tao sa iyo, mabi-build ang trust, may credibility ka kaagad kahit hindi business ang pinag-uusapan niyo.

“That’s why I feel a reboot in my career after 23 years now that social media has come to the landscape of my journalism that I can explore and mount the next level of my career.”

Ngunit payo ni Cathy, may mga bagay pa rin na hindi na dapat ibinabahagi sa social media lalo na’t parte ito ng iyong pribadong buhay.

Aniya, “Kasi nawawala na ang ating private parts of ourselves.

“Marami namang istorya na puwedeng i-share while keeping your own privacies, as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN