Ken Chan gets career boost as lead in transgender-themed teleserye

Ken Chan says he's sure of his masculinity, but he is letting loose his feminine side for his role as a transgender in Destiny Rose. His peg, "Jennylyn Mercado, si Carla Abellana, si Heart Evangelista, na mahinhin na magagandang babae."


Ilulunsad na si Ken Chan bilang bida sa upcoming drama series ng GMA na Destiny Rose.

“Naiyak ako,” pag-amin ni Ken sa naging reaksyon niya nang nalaman niyang siya ang napiling magbida para sa naturang serye.

Patuloy ng Kapuso actor, “Totoo, totoo, naiyak po ako.

"Kasi matagal ko pong hinintay din na magkaroon ng ganitong pagkakataon.

“Sobrang masaya po ako, hindi lang po ako, lalo na yung mga parents ko po.

“Sobrang masaya po sila for me, si Mama naiyak din para sa akin.”

Hindi pa rin nga raw makapaniwala si Ken na siya ang napili among the male stars of GMA na nag-audition for the role.

“Actually, kinakabahan pa ako, baka mabawi pa, baka nagkamali sila.

“Pero talagang iyon po, nabigay sa akin yung role.

“Sobrang I feel so blessed and thankful na nabigay sa akin yung Destiny Rose.”

Ayon kay Ken, nasa sampu o labindalawa silang nag-audition, pero ayaw na niyang sabihin kung sino ang iba pang artistang lalaki ng GMA ang “nakatunggali” niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa pocket presscon na ibinigay ng Kapuso network para sa kanya noong Augut 27.



LUCKY ME. Ikinatuwa rin ni Ken na sa launching TV project niya ay gaganap siya bilang isang transgender, isang lalaking anyo at kilos-babae.

“Ako naman po, wala akong pinipiling role, basta maganda yung konsepto tsaka yung istorya.

“Talagang I’ll go for it po, wala akong pipiliin na kung ano yung magiging character ko.

“Nung nag-audition po ako, nung nalaman ko yung story, sabi ko, ‘Napakasuwerte ng makukuha dito, napakasuwerte!’

“Sobrang iyon po yung sinabi ko.”

Pinaarte ba siya bilang isang transwoman during his audition?

“Nung una po pinaarte po ako as Joey [Destiny Rose’s male alter-ego].

“Bilang isang lalaki, physically lalaki, pero sa puso, pusong babae.”

Saan niya hinugot ang emosyon o acting niya bilang transwoman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko naman, lahat po ng mga tao, bawat isa sa atin, kahit sobrang lalaki niyan, kahit sobrang babae...

"Ang mga babae, may pusong lalaki din ‘yan; yung mga lalaki, may feminine side din ‘yan.”

Inilabas niya ang feminine side niya sa audition niya?

“Inilabas ko po na sobrang nakatulong sa akin.

“And, of course, nag-internalize po ako dun sa character ko, lalo na nung pinagawa sa akin yung Destiny.”

Patuloy ni Ken, “Kung magpe-peg daw po ako, huwag daw po akong magpe-peg ng isang gay, mag-peg daw ako ng isang babae.

“So, inisip ko kung sino yung mga babae na puwedeng maging si Destiny.

“Tulad nina Jennylyn Mercado, si Carla Abellana, si Heart Evangelista na mahinhin na magagandang babae.

“So, ganun yung pineg ko.”

SECURE. Sa kuwento, bata pa lamang si Destiny Rose ay sinabi na niya sa sarili niyang babae siya.

“Iyon yung nasa puso niya, iyon yung nasa isip niya, na babae siya,” sabi ni Ken.

Hindi na raw siya nag-aalala na baka intrigahin siyang bading sa tunay na buhay.

“Pag sa mga ganitong bagay po, inaasahan na namin na makuwestiyon yung gender kasi dahil sa istorya.”

Tulad nga raw nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa highly-successful series ng GMA na My Husband’s Lover.

“Pero sabi ko sa sarili ko, wala akong dapat ikatakot o ikakaba dahil alam ko naman sa sarili ko.”

May kilala raw si Ken na isang transgender sa tunay na buhay.

“Meron po, marami... nag-research po talaga ako about this.”

Yung personal niyang kilala?

“Si Kevin Balot, kakilala ko po kasi may mga common friends po kami.

“Gusto ko po siyang makausap, kung ano yung buhay ng isang transwoman.”

Sa Destiny Rose ay gaganap na ina at ama ni Ken sina Manilyn Reynes at Joko Diaz.

Si Sheena Halili ay gaganap na kapatid ni Destiny Rose at si Katrina Halili ang magiging kontrabida sa buhay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si JC Tiuseco ang gaganap na kasintahan ni Katrina at si Fabio Ide naman ang gaganap na boyfriend ni Destiny Rose.

Ang mahusay na aktor na si Michael de Mesa naman ay gaganap na isang bading na tutulong kay Ken.

“Kasama din po si Ken Alfonso, si Ms. Jackielou Blanco, nanay siya ni Katrina Halili, at si Miss Irma Adlawan.”

Ang Destiny Rose ay sa direksiyon ni Don Michael Perez at eere na sa GMA ngayong September.

Bukod sa teleserye ay bibigyan boses naman ni Ken si Prince Zardos sa Tagalized version ng sikat na cartoon noong dekada sitenta na Voltes V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN