#AlDub Fever: Alden Richards swims his way to Yaya Dub's heart

Muli na namang pinatunayan ni Alden na gagawin niya ang lahat upang maging karapat-dapat sa puso ni Yaya Dub. Sa ikalawang hamon sa kanya ni Lola Nidora ay nilangoy ni Alden ang tatlong kapsula ng siling labuyo na nasa ilalim ng Olympic-size swimming pool.


Marami man ang nadismaya na hindi pa rin nagkikita sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza), nakapuntos namang muli ang Pambansang Bae kay Lola Nidora (Wally Bayola).

Sa ikalawang hamon ni Lola Nidora kay Alden, nagawa nitong bumili ng pili candies, laing, at pinangat mula sa Bicol.

At personal pa ngang inihatid ni Alden ang mga pinamili niya kay Lola Nidora.

Pero kalahating puntos lamang daw ito, kaya naman isa pang hamon ang ibinigay ni Lola Nidora kay Alden sa episode ng sinusubaybayang KalyeSerye ng Eat Bulaga! ngayong hapon, August 29.

Pinalangoy at pinahanap ni Lola Nidora ang tatlong kapsula ng siling labuyo na inihagis niya sa isang Olympic-size swimming pool.

Kapag nagawa ito ni Alden sa loob ng limang minuto ay makukuha niya ang ikalawang puntos sa score board ni Lola Nidora.

Agad namang tinanggap ni Alden ang hamon, at nagawa niyang hanapin ang tatlong kapsula ng siling labuyo bago pa man mag-limang minuto.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Yaya Dub—na nagtatalun-talon at naglulupasay sa kalye—ang pagtatagumpay ni Alden sa bagong hamon na ibinigay sa kanya.

Maging si Lola Nidora ay napabilib kay Alden dahil napatunayan nito kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay Yaya Dub.

Ang audience namang nasa studio ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum ay nagsigawan at nag-chant pa ng pangalan ni Alden.

Sa Twitter world naman, mas napahanga at na-in love ang netizens sa determinasyon ni Alden na mapagtagumpayan ang mga hamong ibinibigay sa kanya ni Lola Nidora upang patunayang karapat-dapat siya kay Yaya Dub.

Yun nga lang, napuno ng mga larawan ng "hopia" ang tweets ng AlDub fans dahil bigo na naman ang mga umasang magkikita na sa wakas sina Alden at Yaya Dub.

Pero mensahe ni Alden sa mga tagasubaybay ng KalyeSerye:

Sana po napasaya namin kayo. ŸÂŠŸÂ #swimmingpamore #ALDUBMaiDenHeaven Ÿ‘‹ŸÂŸ˜ƒ

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 29, 2015

Bandang alas-tres ng hapon ay umabot na sa lagpas 2 million tweets ang hashtag na #ALDUBMaidenHeaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi pa rin naibubunyag ni Tinidora (Jose Manalo) kung sino talaga ang tunay na ina ni Yaya Dub.

Sino nga kaya ang gaganap na tunay na ina ni Yaya Dub? Si Michael V? Si Allan K? O si Ryan Agoncillo?

Ano naman kaya ang susunod na hamon ni Lola Nidora kay Alden?

PEPsters, ano ang masasabi niyo sa episode ngayong hapon? Nadismaya rin ba kayo na hindi pa rin nagkikita sina Alden at Yaya Dub? O mas lalo rin kayong napahanga kay Alden?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN