Ruffa Gutierrez says daughters want their share of exposure in reality show: "Minsan naiinis nga sila kapag hindi sila masyadong napi-feature."

Ruffa Gutierrez explains why mom Annabelle Rama is the star of their reality TV series, It Takes Gutz To Be A Gutierrez: “E, alam mo naman, dahil si Mommy masyadong controversial.”



Nasa kalagitnaan na ang third season ng reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Pinag-uusapan ng marami ang bawat episode nito dahil dito ay nasusubaybayan, hindi lang ang bawat kilos at nangyayari sa bawat miyembro ng pamilya Gutierrez, kundi pati na ang away-bati na relasyon ng mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.

May mga nagsasabi nga na parang si Annabelle Rama raw ang bida talaga sa nasabing show.

Sang-ayon naman dito si Ruffa.

“Siya talaga ang inaabangan.

“E, alam mo naman, dahil si Mommy masyadong controversial,” bungad na pahayag ni Ruffa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“And alam mo naman ang relasyon namin ni Mommy. Lagi ngang away-bati.

“Nasanay na ako ako dahil gano’n naman kami ever since.

“Pero ang maganda sa amin, kahit madalas kaming nagkakaroon ng misunderstanding at disagreements, nangingibabaw pa rin sa bandang huli yung love namin sa isa’t isa dahil siyempre mommy ko siya at anak niya ako,” pahayag niya.


CLOSER LOOK AT PERSONAL LIVES. Sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez, malaking bahagi ng kani-kanilang personal na buhay at privacy ng kanilang pamilya ang ibinabahagi nila sa publiko.

“Pagdating diyan, you know we’re very open, e. Kasi sanay na kami na sinusundan kami ng camera.

“I think the more raw, the better. Gusto nila talagang makita kung ano kami at yung totoong mga nangyayari, iyon ang gusto nila,” patuloy niya.

Tinanong namin si Ruffa, paano kung mag-expect pa ang kanilang TV viewers ng mas matinding paglalantad ng iba pang personal na aspeto ng kanilang buhay?

Aniya, “Siguro satisfied naman sila sa ibinibigay namin. So I can tell them and I can reassure them that this season is the best season yet.”

Ano ang mga nakaka-excite at mga pasabog pang aabangan sa mga susunod na episodes ng show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami. Pero kailangang manood na lang sila kasi kung sasabihin ko, parang balewala na lang, di ba?

“Ten episodes bale yung show. Meron pa kaming natitirang limang episodes na ipapalabas,” saad niya.

Meron na bang fourth season ng It Takes Gutz... na ihinahanda?

Panalangin niya, “Well, sana! Sana in the works na yun na malapit na.

“Pero as of now, we’re concentrating on the third season.”


DAUGHTERS. Ano ang naging epekto ng show sa mga anak niyang sina Lorin at Venice?

“Alam mo, sanay na sila. Very showbiz naman yung mga bata, e.

“Kaya walang problema sa kanila kung ma-feature sila. Minsan naiinis nga sila kapag hindi sila masyadong napi-feature.

“Nagtatanong sila, 'How come we’re never featured?'” natatawang kuwento ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN